^

Pang Movies

Claudine ginamit si Rico para pakinggan ng Diyos?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Claudine ginamit si Rico para pakinggan ng Diyos?!
Claudine

“Ano ba naman si Claudine (Barretto), bakit dinadasalan si Rico Yan,” iyan ang narinig naming isang komento sa video ni Claudine habang ibinubuhos ang kanyang kalooban nang dumalaw sa puntod ng dating boyfriend na si Rico Yan.

“Tama ba naman iyan,” sabi pa nila.

Tutal malapit na rin naman ang Undas, gusto naming sagutin iyan. Sa paniniwala ng mga Katoliko, ang isang namatay kung isang mabuting tao ay napupunta sa langit. Kung ang yumao ay hindi nakatanggap ng lahat ng sakramento, o may natitirang kasalanan, sila ay nasa purgatoryo. Habang naroroon, maaari nilang ipagdasal ang kahit na sino sa atin bilang bahagi ng pagbabayad puri sa mga nagawa nilang mali. Pero hindi nila maipanalangin ang sarili nila, kaya kailangan nila ang ating dasal.

Siguro dahil sa paniniwalang iyan, kaya nang ibuhos ni Claudine ang kanyang kalooban nang madalaw sa puntod ni Rico at nahiling niya sa dating boyfriend na sana pangalagaan naman ang kanyang ama na yumao na rin. Walang masama sa ginawa ni Claudine. Hindi naman niya sinabing hilahin ang paa ng kanyang mga kaaway.

Ganyan din ang dahilan kung bakit tayo nagpupunta sa sementeryo kung Undas, nag-aalay ng kandila at bulaklak sa Diyos sa ngalan ng ating minamahal na mga yumao. Tandaan ninyo, ang kandila at bulaklak ay hindi para sa patay kung ‘di alay sa Diyos, sa kanilang pangalan. Bahagi iyon ng ating pananalangin para sa ating minamahal na yumao. Dahil tayo ay may hinihiling sa Diyos para sa ating mga yumao, kaya naman nag-aalay din tayo bilang pasasalamat.

Totoo, maaari rin nating hilingin sa ating mga minamahal na yumao na tayo ay gabayan at ipana­langin din sa Diyos, yamang naroroon na sila sa buhay sa kabila at mas malapit sa Diyos.

Julia Montes mukhang hindi nanganak!

Walang nagsabi na nakitang dumating sa airport si Julia Montes mula sa Germany kung saan sinasabing nagbakasyon siya nang halos isang taon. Pero kaya nalaman na narito na siya ay dahil sa pakikipag-selfie sa kanya ng mga tauhan at ilang namimili sa isang supermarket sa Greenhills na nakakita sa kanya habang namimili rin.

Nakita namin ang mga picture na inilagay sa social media ng fans ni Julia. Hindi naman siya nagmukhang nanay, kaya hindi mo rin masabi kung totoo nga ang tsismis noong nabuntis siya at nanganak sa isang ospital sa Greenhills din. Dahil nakita siya na nasa supermarket na, ibig sabihin matagal na siyang nasa Pilipinas. Malabo naman yata iyong galing ka sa abroad, supermarket agad ang pupuntahan mo.

Pinag-uusapan nila ngayon, talaga nga bang nagbakasyon siya sa Germany, o hindi lang nagpakita sa publiko pero naririto lang sa bansa?

Barretto wars umabot sa sementeryo

Seryoso kaming naglalakad papasok sa sementeryo ng La Loma kahapon nang mapansin namin ang isang grupo na nasa kanilang libingan, pero ang nakatawag ng pansin namin ay dalawang maliit na bandera. Ang nakasulat sa mga bandera ay “Team Greta”. Nag-usyoso kami at nalaman naming ang namatay pala ay fans kasi ni Gretchen Barretto.

Pero La Loma Cemetery iyan ha at nasa Caloocan iyan. Hindi ba ang dapat sanang nakalagay diyan ay “Team Marjorie”? Alam na ninyo kung bakit.

Pero hanggang sa sementeryo talaga ang pinag-uusapan ay ang Barretto wars.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with