^

Pang Movies

Maine naging clown sa shooting

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na nagkapalagayan ng loob sina Maine Mendoza at Carlo Aquino nang mag-umpisa na ang shooting ng pelikulang Isa Pa With Feelings.

Siyempre dahil big star si Carlo ay medyo nailang sa umpisa si Maine dahil alam naman ng lahat na isa ito sa mga magagaling na aktor na bata pa lang ay nasa mundo na ng showbiz.

Masayang-masaya ang mga tao sa set ng nasabing pelikula dahil sa pagiging kalog ni Maine, wala rin daw itong kaarte-arte sa katawan.

Samantala, maayos daw sa shooting location kung saan kinunan ang mga mahahalagang eksena.

Kahit nalalapit na ang opening day nito sa mga sinehan ay tuluy-tuloy pa rin ang shooting nila.

Ayon kay Maine ay suportado sila ni Alden Richards sa pelikulang ito gaya ng pagsuporta niya sa pelikula ni Alden with Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Wala silang rivalry kahit may kanya-kanya na silang project with different actors. Maganda rin naman ang subukan nila na maipareha sa ibang artista at masanay sila sa labas ng AlDub, kaya gaya ni Alden ay magiging matagumpay din ang pelikula ni Maine at Carlo.

Bagong mobile app na para sa millennials iikot sa mga unibersidad

Ang NOONA na mula sa Filipino line na ‘ano na’ ay isang mobile App na punung-puno ng Philippine based articles na naka-200,000 download na sa anim na buwan pa lang. 

Isa sa pinakamagandang incentive na makukuha para sa mga nagda-download ay ang cash incentive. Kaya naman pala, talbog!

Makikita ito sa IOS at Android.

Ayon sa Presidente nito na si Martin Araneta ay pinulsuhan muna nila kung ano ang kinahuhumalingan ng mga kabataan, at dito na nga sila nag-umpisa na kalaunan naman ay naging successful din.

Sa Oct 19 ay mag-uumpisa na ang NOONA sa Campus Tour para i-promote sa mga College and Universities nationwide sa tulong ng mga local e’stores at Rising brand.

Gloria Gaynor wala pa ring kupas!

Napanood namin ang Gloria Gaynor concert sa Okada Ballroom na punung-puno ng mga may edad na, na kapanahunan ng kasikatan niya.

Wala pa ring kupas si Gloria Gaynor although halatang mahina na sa edad na 72 kung hindi ako nagkakamali.

Ang ganda pa rin ng boses niya, lalo na nang kantahin niya ang hitsongs niya na tulad ng I Will Survive na sumikat noong 1978 or 1979, aba nagtakbuhan ang marami sa harap at nakisayaw sa kanta.

Nabuhay yata ang lahat. Salamat kay Joed Serrano at Ovation sa ticket through Roldan Castro na PR ni Joed.

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with