^

Pang Movies

AiAi nagpapalakas para sa pagbubuntis

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
AiAi nagpapalakas para sa pagbubuntis

Pinatitibay at pinalalakas ni AiAi delas Alas ang kanyang tuhod, balakang at katawan bilang paghahanda sa gagawin niyang pagbubuntis.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ang paraang ginagawa na puwede ring gayahin ng followers niya na nagtitipid at ayaw pumunta sa gym.

“Gayahin nila pampapayat and ayaw pumunta sa gym…gayahin na lang nila pampapayat at endurance at pa muscle na din.

“Para sa gusto pang magbuntis pero may edad na at ibang magpapa ivf (invitro) para pampalakas ng likod at hips at katawan in case mabuntis sila. HEALTH IS WEALTH,” payo ni AiAi.

Of course, more than the exercise, pangunahin pa rin kay AiAi ang pananalig sa Diyos upang bagayan siya sa pagbubuntis niya.

Lovi ayaw nang ipangalandakan ang dyowa!

Masigla na naman ang lovelife ni Lovi Poe. Yes, makulay na naman ang puso niya dahil sa isang Fil-Am film producer na nakilala niya habang nasa abroad.

Sa totoo lang, ang guy ang naka-date ni Lovi nang maimbitahan siyang dumalo sa isang premiere night, huh

‘Yun nga, di tulad ng nakaraan niyang boyfriend, ayaw niyang isapubliko ang moments nila bilang lovers.

Aalis muna papuntang Canada ang primera aktresa at sa pagbabalik niya, sisimulan na niya ang Viva movie na In Between Goodbyes kung saan pagsasaluhan nina Tony Labrusca at Marco Gumabao ang kanyang alindog!

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with