^

Pang Movies

Aktor na mabaho, sumisingaw na ang pangalan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabilis namang nag-apologize si KC Montero nang tawagin ng ilang tao ang kanyang pansin tungkol sa naging attitude ng isa nilang empleyado. Si KC kasi ngayon ay isa sa top executives ng isang “marketing group”.

Bagama’t masasabing ang ginawa nga ng empleyado nila ay labas na sa kanyang tungkulin, inamin ni KC na hindi dapat hayaang mang­yari ang ganoon, lalo na nga’t ang kanilang kumpanya ay nakikipag-ugnayan at negosyo rin sa maraming celebrity endorsers.

Sa isa kasing social media post ng isang tao, na later on ay na-indentify na empleyado pala ng kumpanya nila, sinasabing ang isang actor daw ay may napakasamang amoy. Kung papaano naman niya nasabi iyon, at kung papaano niya naamoy ang actor, hindi niya sinabi.

Ang naging stand ni KC, hindi niya palulusutin ang nangyaring iyon.

Pero sa palagay namin, iyan namang mga artistang ganyan, lalo na nga at artista sila, dapat naman maging malinis sila at maingat sa kanilang sarili. Hindi ito ang first time na nakarinig kami nang ganyan sa isang actor.

May isang pangyayari na ikinuwento rin sa amin tungkol sa pareho ring actor na nakatakdang humarap sa executives ng isang network para pumirma ng kontrata. Hindi rin maganda ang kanyang amoy, kaya inutusan siya ng coordinators na magpunta sa isang dressing room, maligo muna at magbihis para hindi naman siya gaanong mangamoy.

Masama talaga iyong ipinost pa sa social media ang amoy noong tao, lalo na nga’t empleyado siya sa isang kumpanya na ka-deal noon, pero may res­ponsibilidad din kasi ang mga artista. At hindi lang artista, kahit na sinong tao naman dapat maging conscious sa kanilang amoy.

Liza isinabay ang pag-aaral sa bakasyon

Dahil kailangan din naman siyang magbakasyon ng ilang buwan pa, dahil iyon ang advise sa kanya ng kanyang doctor, nagbalik na si Liza Soberano sa iskuwelahan.

Talaga namang naka-enroll sa home study prog­ram ng iskuwelahan si Liza, pero kung mayroon naman siyang panahon at maaari siyang magpunta sa iskuwelahan at mag-formal classes, kailangan nga niyang gawin iyon na ang ginagawa niya ngayong nakabakasyon siya.

At least hindi nasasayang ang oras ni Liza.

Public viewing ng mga labi ni Gina Lopez sa ABS-CBN na

Dahil sa masamang panahon, ang planong public viewing ng mga labi ni Gina Lopez ng ABS-CBN Foundation ay hindi na natuloy sa La Mesa Eco Park gaya ng naunang plano. Sa halip simula kagabi at hanggang ngayon, ang mga gustong magbigay-galang sa kanya ay makakapunta sa Studio 10 ng ABS-CBN mula alas-nuebe ng umaga hanggang alas-dose ng gabi.

Maaari raw dumaan ang mga tao sa kanilang Sgt. Esguerra gate kung saan may mga direksiyon naman patungo sa Studio 10.

Lahat po raw ng nais makiramay ay welcome.

vuukle comment

KC MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with