^

Pang Movies

Ella Cruz, ginahasa ng amaing si Epi Quizon sa IM!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapariwara ang dalagang si Jacqueline o Jack Manuel (Ella Cruz) dahil sa pagsasamantala ng kinilalang tatay-tatayang si Edgar Laserna (Epi Quizon) at pagkampi ng inang si Doray Manuel (Ara Mina) ngayong Sabado (Hunyo 1) sa Ipaglaban Mo.    

Asal lalaki at pasaway ang dalagang si Jack na laging nauutusan sa kanilang bahay. Inakala nitong matutupad na ang inaasam-asam na pagkalinga ng isang ama sa ka-“live in” ng nanay. Ngunit tatlong beses itong pagsasamantalahan ng amain na kanyang isusumbong kay Doray. Hindi ito paniniwalaan ng ina dahil hindi sila madalas magkaunawaan. Lalayas si Jack at mamasukang katulong upang makatakas sa tahanan.

Maapi ito sa pinamamasukan at maglalayas muli. Dahil walang mapuntahan, magpapalaboy-laboy ito sa kalye at sasama sa mga kaibigang masama ang impluwensya sa kanya. Hahanapin siya ni Doray subalit hindi matatagpuan. Sa paglalaboy ni Jack, mabubuyo ito ng mga kasamahang magnakaw ng sigarilyo sa tindahan. Mahuhuli siya ni SPO4 Marites (Blaine Medina) na sa halip ikulong ang nawala sa landas na bata ay dadalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang malaman ang sinapit na panggagahasa ni Edgar at pangbubugbog habang namamasukang kasambahay.

Sa tulong ng mga awtoridad at DSWD, sasampahan nila ng kaso si Edgar. Mariin itong itatanggi ng kinilalang ama at aakusahan si Jack na gawa-gawa lamang ng dalaga ito dahil nahulihan itong nagnanakaw sa ina.

Huwag palampasin, Ipaglaban Mo tuwing Sabado, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

vuukle comment

ELLA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with