^

Pang Movies

Fans nina Julia at Coco masyadong wild ang imahinasyon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Fans nina Julia at Coco masyadong wild ang imahinasyon!
Coco, Julia

Ewan ko ba bakit ganoon na lang ang interes ng mga tao kung nanganak o hindi si Julia Montes. Mas magulat sila kung si Coco Martin ang nanganak no?

Dalaga si Julia, binata si Coco, so ano problema kung magka-baby sila, bakit ginagawang big deal? Gusto nila na itago, so what? Bakit natin kailangan natin kalkalin at pilitin?

Kung totoo man na may baby na sila, bakit hindi sila bigyan ng time para sila magbalita at magsalita. Naku noh, the more na gigil na gigil ang tao to know, the more siguro na mas gusto mo itago, ‘di ba ganoon usually ang feeling mo kapag ganyan na pinipilit ka?

Bigyan muna natin ng space sina Coco at Julia kasi nga hindi naman krimen. True or not, si Coco at Julia lang ang may alam at nakakatawa na nga ang mga balita na lumalabas, parang James Bond story na, hindi na believable.

Imagine, meron daw Muslim woman na pumasok sa hospital na nakatakip ang buong katawan at nakatakip ang mukha habang nanganganak para hindi siya makilala. Wild imagination na ‘di ba?

Naku manood na lang tayo ng FPJ’s Ang Probinsyano, baka ma­ging plot pa ‘yan ng isa sa mga episode ng top-rating teleserye ni Coco sa ABS-CBN.

Marjorie at former mayor ng Caloocan, may naglabas ng ebidensiya!

Kaloka naman ang paglabas ng litrato nina Marjorie Barretto at former Caloocan Mayor Recom Echeverri na kuha sa 7th birthday celebration noong April 9 ng youngest daughter ng aktres.

Hindi naging maingat ang nag-post sa Instagram ng picture dahil ang magkapatid na Julia Barretto at Erich ang kinunan niya ng litrato pero nahagip sina Marjorie at Echeverri na matagal nang nali-link sa isa’t-isa pero walang lumalabas na proof hanggang lumitaw kahapon ang controversial picture.

Hintayin na lang natin ang explanation ni Marjorie tungkol sa picture or malay natin, baka i-delete ng nag-post ng litrato para hindi na lumaki pa ang isyu. Baka feeling guilty pa siya dahil naging careless siya.

Hay naku, kailangan talaga, maging maingat at responsible tayo sa mga inilalabas natin sa social media dahil imbes na makatulong, baka mapahamak pa tayo.

Bong sasayaw sa bagong ad campaign

Malapit nang ilabas ng kampo ni Bong Revilla ang bagong campaign ad niya na ginawa ng direktor na si Richard Somes.

Hindi ako sure kung kailan naman mapapanood sa TV ang campaign ad na ipinapakita si Bong na sumasayaw at mula ito sa direksyon ni Rico Gutierrez.

Napanood ko na ang video dahil ipinakita ito sa akin ni Lani Mercado pero may changes daw na gagawin. Nag-shoot ng bagong campaign video si Bong para matandaan ng publiko na number 16 ang name niya sa balota sa eleksyon sa May 13, 2019. Wish ko talaga, ilabas ang cute dancing video ni Bong na sure ako na magiging malakas ang recall sa mga tao.

vuukle comment

COCO MARTIN

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with