^

Pang Movies

Tickets sa US concert tour ni Gary malakas ang bentahan

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Tickets sa US concert tour ni Gary malakas ang bentahan
Gary

Ang show promoter/producer na si Anna Puno sa Morongo Casino, Resort and Spa sa Cabazon, California concert ni Lea Salonga noong Saturday night (Monday lunch time sa atin).

Sabi ni Anna, puno ang show na ‘yon ni Lea.

“Walang guest si Lea. Four musicians lang at walang back-up singers, pero maganda ang show!” sabi ni Anna.

Nasa Los Angeles, California na si Anna at ang mga taga-StarMedia Entertainment, Inc. dahil siya ang promoter ng concert tour ni Gary.

Ayon kay Anna, ready na sila para sa pagsisimula no’n on Friday sa Las Vegas, Nevada.

Sobrang lakas daw ng benta ng tickets para sa US concert tour ni Gary!

Rodjun at Rayver nagpainit

Ang Sunday PinaSaya dance prod kahapon ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz.

Ang ganda ng feedback ng nasabing dance prod.

Kapwa magaling magsayaw sina Rodjun at Rayver.

Ang sexy ng dating ng magkapatid.

Of course, parehong in love sina Rodjun at Rayver.

Si Rodjun, all set na ang kasal sa fiancé niyang si Dianne Medina ngayong December, si Rayver naman ay obvious na obvious ang relasyon kay Janine Gutierrez, pero hindi pa rin nila idinedetalye ang tungkol doon.

Jak at Paul dadalas na ang paghuhubad

Dahil summer na, mas marami na raw ang eksena nina Jak Roberto at Paul Salas na naka-shirtless sa Kara Mia.

Pambansang Abs ang tawag kay Jak, pero panay rin ang gym at training ni Paul para hindi siya mapaghuli sa boyfriend ni Barbie Forteza.

Sabi ng mga nanonood ng Kara Mia, malaking bagay sina Jak at Paul kaya nila pinapanood ang fantaserye nina Barbie at Mika dela Cruz.

Katakam-takam daw kasi sina Jak at Paul!

Gabby tuluy-tuloy pa rin ang endorsements

Kahit nasasangkot sa legal issue sa isang kapatid, in fairness, may bagong endorsement pa rin si Gabby Concepcion.

Nakita ko ‘yung liquor commercial niya.

In fairness, ang guwapo pa rin ni Gabby sa endorsement video na ‘yon.

Ngayong Thursday na nga pala haharap sa press si Gabby para sa Love You Two nila nina Jennylyn Mercado, Shaira Diaz at kasama rin si Solenn Heussaff.

Aktres dinumog ng TVC nang magbaba ng TF!

Speaking of endorsement, may mga nang-iintriga naman na nagbaba na ng talent fee ang managament company ng isang aktres kaya raw dumarami na naman ang TVC nito.

Isang showbiz editor ang nagtanong sa management company kung true ‘yon, pero dedma lang daw ang mga tinanong.

Siyempre nga naman, alangan namang aminin nila ang bagay na ‘yon, ‘noh?!

‘Yun lang!

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with