^

Pang Movies

Gabby hindi pa nakikilala ang nakabuntis kay Andi

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Tanggap naman ni Gabby Eigenmann ang pagbubuntis for the second time ng nakababatang kapatid na si Andi Eigenmann. Siyempre, as always, nandiyan pa rin naman daw siya para suportahan ito bilang kuya.

 

“Hindi naman mawawala ‘yun (ang suporta), kapatid ko ‘yun, eh, kahit anon’g gawin. Pero at the end of the day, may sarili na siyang pag-iisip. Adult na ‘yan, magtu-twenty nine na siya this year.

“Hindi ko na nga dapat pinakikialaman ang personal nilang buhay. I’ll always be a brother to my siblings but I can never be their parent,”  pahayag ni Gabby nang makausap namin sa presscon ng Inagaw na Bituin drama series ng GMA-7 kung saan ay isa siya sa cast.

Hindi naman daw kailangang maging issue dahil ang importante naman daw ay masaya si Andi.

Nag-usap na raw sila tungkol dito at lagi naman daw siyang nandito para suportahan ang kapatid.

“Whether good or bad decisions ang gawin niya, wala na akong magagawa doon. Mahal ko ‘yan, eh. Kapatid ko ‘yan, hindi naman mawawala ‘yun.

“Anon’g gagawin ko, palayasin ko, eh hindi naman nakatira sa akin? Idi-dis-own ko? Hindi naman ako nagpapakain sa kanya,” pagbibiro ni Gabby.

“As a brother, hindi lang kay Andi, kung hindi sa lahat ng kapatid ko, kung saan sila masaya, doon ako,” pahayag pa ng aktor.

When asked kung boto ba siya kay Philmar Alipayo na boyfriend ni Andi ngayon at ama ng dinadala ng anak nito, aniya ay hindi pa raw niya ito nakikilala.

“At sa lahat naman ng minahal ni Andi, hindi lang naman si Andi, ‘yung mga iba ring minahal ng mga kapatid ko, it was never a question kung boto ba ako o hindi kasi kahit sabihin kong hindi ako boto, may magagawa ba ako?

“Kung sabihin kong boto, may magagawa rin ba ‘yun? Wala, it doesn’t matter,” he said.

Pero siyempre, gusto rin naman daw niyang makilala si Philmar dahil magiging part na rin ito ng family nila.

Alden may webisodes sa pagluluto

Tuwang-tuwa si Cookie Yatco ng Cookie’s Peanut Butter sa matagumpay na webisodes ng kanilang celebrity endorser na si Alden Richards kasama si Chef Amoncio kung saan nagluluto sila ng iba’t-ibang mga healthy at easy-to-do na mga putahe gamit ang Cookie’s Peanut Butter bilang pangunahing sangkap.

“Game na game sina Alden at Chef Anton nung nag-so-shooting kami ng aming webisodes,” kuwento ni Cookie.

Gawa sa mga natural na sangkap at walang kahit na anong preservatives, ang Cookie’s Peanut Butter ay isang produkto na gawa sa lungsod ng Biñan, Laguna – na bayan ng lalaking nag-develop sa masarap nitong recipe, si Cookie Yatco. Nag-umpisa ang Cookie’s Peanut Butter bilang isang homemade na produkto na pineprepara ni Joy Abalos-Yatco sa sarili niyang kusina bilang espesyal na regalo sa kanyang pamilya at malapit na mga kaibigan lalo na tuwing holidays.

Fourteen episodes ang ginawa nina Alden at Chef Anton at talagang super sarap ang mga recipes na kanilang inihanda sa mga manonood.

Sa ngayon, ang mga flagship products ng brand ay kinabibilangan ng Cookie’s Peanut Butter, Coo­kie’s Cashew Butter, at Cookie’s Peanut Butter Pang­luto at pati na rin ng Mani Ni Cookie at Kasuy Ni Cookie.

vuukle comment

GABBY EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with