^

Pang Movies

Juancho at Maine walang inamin sa naging ‘relasyon’

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Juancho at Maine walang inamin sa naging �relasyon�
Juancho at Joyce

Bago inamin ni Arjo Atayde na exclusively dating sila ni Maine Mendoza, si Juancho Trivino ang rumored boyfriend ng TV host-actress pero walang naganap na pag-amin o denial.

Kung true na nagkaroon ng relasyon ang dalawa, tahimik ito na nagwakas dahil tikom ang mga bibig nina Juancho at Maine.

Bugbog-sarado noon si Juancho sa haters at bashers na tutol sa natsitsismis na love affair nila ni Maine hanggang kusang namatay ang isyu dahil sa pagpasok ni Arjo sa eksena.

Tahimik na ngayon ang buhay ni Juancho dahil tinantanan na siya ng fans na tutol sa kanya bilang boyfriend ni Maine.

Kung may Arjo si Maine, may Joyce Pring na si Juancho at nabuo ang JuanchoYce loveteam nila sa morning show ng GMA 7, ang Unang Hirit.

Hindi pa man Pebrero, parang araw-araw na Va­lentine’s Day sa Unang Hirit dahil sa sweetness sa isa’t isa nina Juancho at Joyce, on and off camera.

Ang cheesy pralala ni Juancho, maihahalintulad daw niya si Joyce sa isang crayon na nagbibigay kulay sa kanyang buhay.

Sa isang interview, inamin ni Juancho na nililigawan nito si Joyce, isang bagay na hindi niya ginawa noong mainit na mainit ang balita tungkol sa alleged secret relationship nila ni Maine.

Mula nang aminin ni Juancho ang panliligaw kay Joyce, nadagdagan ang fans nila na sinusuportahan ang kanilang segment sa UH.

Sylvia naghamon ng eyeball sa bashers ni Arjo

Nakisali na rin si Sylvia Sanchez sa mainit na isyu tungkol sa pagkakamabutihan ng kanyang anak na si Arjo at ni Maine.

Nanay si Sylvia kaya nasasaktan ito sa mga unfair bashing sa kanyang anak mula na ma-link ito kay Maine.

Matapang na babae si Sylvia na walang takot na inim­bitahan ang bashers ni Arjo na makipagkita sa kanya para personal sila na magkausap at magkapaliwanagan. Sinabi ni Sylvia ang exact day, date at place na pupuntahan niya sa mga tatanggap sa kanyang hamon na makausap siya.

Knowing Sylvia, gagawin nito talaga ang kanyang binitiwan na salita na handa siya na kausapin ang mga nagbabanta kay Arjo at sa kanilang pamilya na nag-umpisa nang umamin ang kanyang anak na exclusively dating ang status ng special friendship nila ni Maine.

Starstruck pinipilahan pa rin

Hindi nawala ang mahabang pila sa harap ng GMA Annex Building ng mga bagets na nangangarap na maging artista sa pamamagitan ng pagsali sa Season 7 ng Starstruck.

Asahan natin ang long lines hanggang sa susunod na buwan dahil mula January 21 hanggang February 15 ang Manila auditions ng aspiring Starstruck contestants.

Tuwang-tuwa ang mga nakapila dahil may mga moment na nakikita nila ang kanilang mga favorite Kapuso star sa GMA Annex Building.

Si Kris Bernal na produkto ng Starstruck ang isa sa mga Kapuso star na na-sight nang personal ng mga sumali sa auditions ng reality-based artista search ng GMA 7.

vuukle comment

JUANCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with