^

Pang Movies

MMFF tapos na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ngayon ang huling araw ng 44th Metro Manila Film Festival kaya may chance pa ang mga tao na panoorin ang mga pelikula na hindi pa nila napapanood.

Sure na mawawala na sa mga sinehan ang mga filmfest entry na nangulelat sa box office at extended ang mga pelikula na patuloy na pinipilahan.

At dahil matsutsugi na ang mga pelikula na hindi tinangkilik ng moviegoers, ibabalik na ng theater owners ang mga blockbuster Hollywood movie na pansamantala na inalis sa mga sinehan nang magsimula ang Metro Manila Film Festival noong December 25, 2018.

Hiwalayan nina Ryza at Cholo pinanghinayangan

Ang mga reporter ang nagkumpirma na hiwalay na sina Ryza Cenon at Cholo Barretto pero hindi pa nagsasalita ang dalawa.

Ang mga cryptic social media post nina Ryza at Cholo na tungkol sa relasyon na nagwakas ang mga basehan na ginamit ng mga reporter na nag-one-plus-one na tapos na ang love affair nila.

May mga nanghihinayang sa napapabalita na break up nina Ryza at Cholo dahil ang feeling nila, ang pamangkin nina Gretchen at Claudine Barretto ang lucky charm ng dating Kapuso actress, bukod sa bagay na bagay sila.

May naka-sight kay Ryza na solo na rumarampa sa isang mall sa Makati City noong Christmas season. Noon pa man, pinagdudahan na may problema sa relasyon nila ni Cholo dahil nasanay ang fans na palaging magkasama ang dalawa sa kanilang mga shopping spree.

Alden hindi nakakalimot

Never na nakalimot si Alden Richards sa entertainment press, kahit na noong nagsisimula pa lang ang showbiz career niya.

Tulad ng kanyang nakaugalian, nagkaroon si Alden ng Christmas at Thanksgiving party para sa entertainment press na ginanap kahapon sa Concha’s, ang restaurant sa Morato area na pag-aari niya.

Alas dos nang hapon ang imbitasyon dahil nag-report muna si Alden sa live show ng Sunday PinaSaya na natapos ng 2:30 pm.

Hindi puwedeng mag-absent si Alden sa Sunday program niya sa GMA 7 dahil sa kanyang post-27th birthday celebration.

Gaya ng mga nakaraan na event ni Alden para sa entertainment writers, walang umuwi na luhaan dahil sa mga loot bag at raffle prizes.

Gretchen naduwag sa bashing

Tiniyak ni Gretchen Barretto na off ang comments section ng kanyang Instagram account kaya hindi siya ma-bash ng mga tao na hindi pabor sa pagkampi niya kay Nicko Falcis.

Dahil sa ginawa ni Gretchen, hindi niya nababasa ang mga nakakaloka na komento laban sa kanya at ang mga emote ng mga sympathizer ni Kris Aquino.

Umpisa pa lang ng taon, sunud-sunod agad ang mga showbiz controversy kaya mag-expect tayo na mas bongga at matitindi pa ang mga susunod na eskandalo sa local showbiz.

LJ enjoy sa pagiging mommy uli

Congrats kina LJ Reyes at Paolo Contis dahil iniluwal na ng aktres ang kanilang first born child na isinilang noong January 4, 2019 sa ganap na 4:56 pm.

Maligayang-maligaya ang dalawa, lalo na si LJ dahil may baby girl na siya na binigyan nila ni Paolo ng pangalan na Summer Ayanna.

Hindi pa inilalabas ng mag-dyowa ang picture ng kanilang anak na siguradong maganda dahil nagmana sa mga magulang niya.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with