^

Pang Movies

Atribidang misis ng kilalang aktor minamanipula ang datung ng mister

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umaarya na raw ang pagiging mahadera at atribidang asawa ng isang kilalang aktor pagdating sa mga taong matagal nang nakatrabaho ng asawa at dati niyang binibigyan ng biyaya tuwing Pasko.

Sa nakaraang event ng studio na pinapasukan ng aktor, kahit invited lang ang asawa eh, kinukontrol niya ang perang lumalabas sa wallet ng aktor. Kaya naman ‘yung ilang hindi nabiyayaan ng grasya eh, malungkot na umuwi after ng event, huh!

Eh, hindi lang daw sa nasabing event naging mahigpit si wifey. Basta may humihingi ng tulong, bawas na inaabot niya hindi tulad ng asawa niyang basta kulang ang pera eh, pinapapunta sa office niya.

Jake umalma sa iniwang basura ng mga namasyal sa Luneta

Umaray si Jake Ejercito sa sangkatutak na kalat na iniwan ng kababayan nating nagpalipas ng Bisperas at Pasko sa Rizal Park/Luneta. Matapos nga namang gamitin nang libre, hinayaan na lang nila sa lugar ang basura nila.

“We ask for more open/green spaces, yet we couldn’t even properly use the very few wee have left. This is basic kindergarten stuff,” tweet ni Jake.

Masakit siyempre kay Jake ang ginawa sa Luneta dahil ama niya si Mayor Joseph Estrada na pinuno ng Maynila.

Jericho, Kim, at Maine naglilibut-libot sa mga sinehan!

Sumugod si Kim Chiu sa isang sinehan sa SM Megamall na showing ang festival movie niyang One Great Love nu’ng Christmas Day. Natigil ang screening at masigla namang hinarap ni Chi­nita Princess ang fans na nagkagulo sa surprise visit niya.

Kahapon naman, si Jericho Rosales ang bumisita sa sinehan sa Eastwood na showing ang movie nila ni Jessy Mendiola na The Girl in the Orange Dress.

Maging si Maine Mendoza ay naglaan din ng oras upang bisitahin ang isang sinehan na showing ang entry niyang Jack Em Popoy: The Puliscre­dibles.

Sa totoo lang, kung dati-rati ay hanggang premiere ang movie lang nakikita ng mga fan ng paborito nilang artista, this time, isang promo strategy na ang theatre visit ng mga artista nang sa gayun eh, mas ramdam ng manonood ang importansiya ng mga artista sa kanila.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with