^

Pang Movies

McCoy mapupunta na kay Heaven!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
McCoy mapupunta na kay Heaven!
McCoy de Leon , Heaven Peralejo

Hindi pa man nagkakaroon ng katuparan ang paglulunsad kina McCoy de Leon at Elisse Joson bilang magka-loveteam, heto at nababalitaan nang may plano na kay Heaven Peralejo ipapareha ang miyembro ng Hashtags.

Bago ito ay tila nagkaroon ng falling of hearts sa pagitan ng bini-build up na magka-loveteam na may kinalaman sa kanilang personal na buhay. Wala pang kumpirmasyon o reaksyon mula sa magkapareha pero, pinapaboran ng balita si Heaven na wala mang ka-loveteam ay nagagawang iangat ang kanyang sarili sa mundong pinili niya.

Rico marunong tumanaw ng utang na loob

Na-sad naman ako sa biglang pagpanaw ni Rico J. Puno. Bagaman at nagmuntikang matanggal ako sa trabaho sa isang publication na pinag­lingkuran ko dahil inilagay ko siya sa cover ng isang malaganap na komiks magasin nung panahong wala pang nakaka­kilala sa kanya at kumakanta pa lamang sa isang bistro sa may Banawe, sapat na yun para hindi niya ako pagkaitan ng tulong nang kailanganin kong maglikom ng pondo para sa pag-aaral ng medisina ng anak ko.

Ilang concert ang ginawa niya para sa akin pero hindi niya ako siningil ng TF at hiningian lang ako ng honorarium. Salamat din sa manager niyang si Norma Japitana.

Rest in peace, my friend. Nai-share mo na sa mundo ang talento mo at marami kang napaligaya,

God will take care of you from now on. Ang aking pakikiramay sa lahat nang naulila niya.

Therese ang agang natanggap ang regalo

Dalaga na si Therese Malvar. Magdi-debut na siya sa isang hotel sa November 3 courtesy of GMA-7 na kung saan siya ay kasalukuyang naglilingkod. Isa ring Kapuso ang napili niya para maging escort niya sa kanyang debut, si David Licauco.

Napakaaga niyang natanggap ang mga pa-birthday sa kanya nang sabay niyang mapanalunan ang Best Supporting Actress awards sa Cinemalaya Film Festival para sa mga pelikula niyang School Service at Distance. Kararating lang niya mula sa 2018 Tokyo Film Festival na kung saan ay naging kinatawan siya ng bansa kasama sina Perci Intalan at Jun Robles Lana sa nasabing event.

Cast ng Jack Em Popoy at Fantastika nagkakagulo sa billing?!

Lumabas na yung poster ng Jack Em Popoy: the Puliscredibles, at nasa ikalawang billing ang pangalan ni Maine Mendoza, kasunod ni Vic Sotto.

Third sa billing si Coco Martin. Pare-pareho naman ang laki ng mga pangalan nila at may “and” bago ang name ni Coco pero, bakit may angal akong naririnig na hindi pabor sa billing? Hindi naman nagreklamo si Bossing pero, mukhang ‘di sila pabor sa billing ng Dubsmash Queen na tila mas pinaboran ng produksyon kaysa kay Coco? Ganun ba yun? May kontrobersya din ang movie, tulad din ng Fantastika ni Vice Ganda na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez naman ang may isyu.

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with