^

Pang Movies

Edu sa gabi pinapasyal ang mga aso

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Edu sa gabi pinapasyal ang mga aso
Edu

Si San Juan Mayor Guia Gomez ang isa sa mga makapagpapatunay na legitimate resident ng San Juan City si Edu Manzano dahil magkapitbahay sila.

 

Kung hindi ako nagkakamali, dalawang bahay lang ang pagitan ng bahay ni Mama Guia at ng tahanan ni Edu na parehong tabing-kalsada kaya madali sila na mapuntahan ng ordinary people.

Hindi nakatira ang dalawa sa mga exclusive village ng San Juan kaya abot-kamay lang sila ng masang Pilipino.

Kandidato si Edu bilang house representative ng lone district ng San Juan at ang hindi niya pagiging residente ng siyudad ang puwedeng gamitin na intriga o isyu ng kanyang mga kalaban sa pulitika pero salat ito sa katotohanan.

More than ten years na umanong residente si Edu ng San Juan at mapapatunayan ito ng kanyang mga kapitbahay na madalas na nakikita siya na naglalakad sa kalye sa tuwing  ipinapasyal niya ang mga pet dog.

Gabi kung ipasyal ni Edu ang kanyang spoiled dogs para hindi raw pawisan ang mga alaga niya.

Janno nabiktima rin ng problema sa mental health

Nang pumirma si Janno Gibbs ng exclusive contract sa Viva Artists Agency noong Huwebes, inamin niya sa mga reporter na nag-interbyu sa kanya na nakaranas siya ng depression.

Hindi nag-iisa si Janno dahil kabilang ito sa maraming artista na nagkakaroon ng mental health issues. Walang pinipili ang depression dahil tinatamaan nito ang lahat ng tao na medyo mahina ang loob, bata man o matanda.

Masuwerte si Janno dahil kumpleto ang suporta sa kanya ng pamilya niya. Kahit natsitsismis na may problema sa relasyon nila ng kanyang misis na si Bing Loyzaga, sila pa rin ang magkasama.

Ngayong balik-Viva na si Janno, malaki ang naitulong nito sa acting at singing career ni Janno at makaaasa si Janno ng complete support mula kay Boss Vic at sa anak nito na si Veronique del Rosario-Corpus.

Heart agaw-eksena sa kasal nina Sen. Koko at Kathryn

Kung may Star of the Night sa civil wedding nina Senator Koko Pimentel at Kathryn Yu noong Huwebes, sure winner si Heart Evangelista dahil gandang-ganda sa kanya ang lahat ng mga bisita.

Ang kaso, sandaling-sandali lang ang guest appearance ni Heart dahil nag-babu na siya bago pa nagsimula ang wedding march.

Nalungkot nga ang ibang mga bisita na type na magkaroon ng picture na kasama si Heart dahil sa sudden disappearance niya. Kung alam daw nila na aalis agad si Heart, sinamantala sana nila ang pagkakataon.

Nag-attend din sa civil wedding nina Senator Koko at Kathryn si Lani Mercado na official representative ni Bong Revilla, Jr. at ng Bacoor City.

Ang Coconut Palace ang venue ng kasalan pero bago umapir si Lani, nag-guest muna siya sa radio program ni Papa Deo Macalma sa DZRH. Malapit na malapit lang ang Coconut Palace sa DZRH kaya hindi nahirapan si Lani na maglagare.

Maluwag ang schedule ni Lani noong Thursday night kaya nakapag-stay pa siya sa wedding reception.

vuukle comment

GUIA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with