^

Pang Movies

Rayver mabilis nakasundo si Kris!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rayver mabilis nakasundo si Kris!

Sobrang flattered ang bagong Kapuso leading man na si Rayver Cruz dahil sa pag-amin ng kanyang leading lady sa bagong GMA afternoon prime teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko na si Kris Bernal na naging crush siya nito.

Nagbiro pa si Rayver na mas nadagdagan pa raw ang followers niya sa social media dahil sa pag-amin na iyon ni Kris.

“Malaki ang nadagdag sa followers ko sa Instagram! Yung mga followers ni Kris ay followers ko na rin! Kaya salamat Kris sa pagiging honest mo,” sabay tawa pa ni Rayver.

Para kay Rayver, mas madali raw na maging kumportable siya kay Kris dahil noong una raw ay medyo na-intimidate siya rito.

“Other than our scenes together sa teleserye, may iba na kaming napag-uusapan.

“Si Kris kasi, she’s very open at nakakatuwa siyang magkuwento.

“Sinabi niya sa akin na since Anime days ko pa ay crush na crush niya ako. Nakakatuwa, nakaka-flatter iyon para sa akin.

“Kaya mas nakatulong iyon na maging comfortable ako with her. Lalo na sa first taping day namin, ang ganda ng flow ng eksena. Kasi hindi kami naiilang sa isa’t isa.

“Prior to that, nagkaroon din kami ng acting workshop na magkakasama kaya mas nakapag-build up iyon ng magandang bonding namin,” ngiti pa ni Rayver.

Hindi lang kasi si Kris ang mahahalikan ni Rayver sa teleserye kundi pati rin si Thea Tolentino.

“Parang ang suwerte ko naman  masyado! Dala-dalawa agad ang leading ladies ko, ‘di ba?

“Hindi ko naman masyadong inaabangan ang mga kissing scenes, medyo makakapaghintay naman ako.

“Bagong mga leading ladies ko kasi sina Kris at Thea, so ayoko ring magkamali sa mga eksena ko with them.

“Maraming big dramatic scenes sa story kaya iyon ang paghahandaan namin. Pagkatapos no’n ‘yung kissing scenes na ang paghandaan!” natatawang pagtapos ni Rayver Cruz na napapanood din sa Studio 7.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with