^

Pang Movies

Concert ni Lea sold out agad

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Concert ni Lea sold out agad
Lea

“Flabbergasted and floored” ang decription ni Lea Salonga sa naramdaman nang malamang sold out ang tickets sa two night concert niya sa PICC sa October 19 and 20. Wala nang mabiling tiket at naka-announce na ang ‘sold out.’

“To the audience members that bought tickets, thank you! It’s because of you that this is happening! We are all going to party and have ourselves a real good time! Woo-hooo!!!!,” post ni Lea.

Nag-announce na rin si Lea ng series of shows niya sa UK next year. Simple lang ang poster ng concert, nakalagay ang pangalan ni Lea at nakasulat ang “The original Miss Saigon Returns.”

Naka-schedule ang concert ni Lea sa Bridgewater Hall sa Manchester (February 26), sa London Palladium sa London (Feb. 27), Symphony Hall sa Birmingham (March 1) at Wales Millennium Centre sa Cardiff (Mar 4).

“Hey UK, I’m coming your way! SO excited to announce my first ever solo UK tour, including a show at the World Famous London Palladium,” sabi pa ni Lea.

Nag-announce rin si Lea tungkol sa nasulat na namin dito sa PM (Pang Masa) na gumagawa sila ng pelikula ni Eva Noblezada titled Yellow Rose. Ang Fil-Am na si Diane Paragas ang director nito. Kasama sa cast sina Liam Booth, Gustavo Gomez, Libby Villari at Princess Punzalan. Movie musical daw ang movie.

Vic at Maine isasalang pag Linggo

Balik-sitcom si Vic Sotto dahil may bago itong show kasama sina Maine Mendoza at Wally Bayola. Sila pa lang, plus si Kevin Santos ang nakita namin sa na-post na photos sa social media sa pictorial ng cast.

Walang nilagay na title si Rams David at hindi nga sinabi kung sitcom ang show nina Vic, Maine at Wally, si Kevin ang nagsabing sitcom ang show sa caption niya sa photos niya with Maine and Vic.

Wala ring sinabi si Rams kung kailan ang airing ng show at ang sabi lang, “May bago tayung susubaybayan!!! Malapit na!!”

Tama ba ang hula namin na ang bagong sitcom ay ilalagay sa dating time slot ng show ni Vic sa GMA-7 na Sunday night.

Sa nasabing time slot nakalagay ang past shows na produced ng M-Zet Productions at APT Entertainment na ang pinakahuli ay ang Bossing and Ai nina Vic at Ai-Ai delas Alas.

Jean nadiskubreng may scoliosis

Hala, na-diagnose si Jean Garcia na may scoliosis at ang spine niya ay nagku-curve sa right side ng body niya. Nadiskubre ng aktres ang tungkol dito nang magpa-chek up kay Dr. Johnny Tan Jr.

Nag-decide si Jean na ipa-treat ang kanyang spine bago pa lumala at baka tuluyang mag-letter S ang kanyang likod.

Sana lang, hindi makaapekto sa pagiging aktres ni Jean ang kanyang lagay dahil may mga scoliosis na pinagbabawalang maging physical. Medyo, physical pa naman ang mga eksena niya sa Ika-5 Utos, marami silang cat fight ni Valerie Concepcion na mas malaki ang katawan kay Jean.

Sa pilot episode pa lang, may habulan at sampalan na sila ni Valerie at dream sequence pa lang ‘yun.

Paano na ‘pag nalaman pa ng karakter ni Jean na si Valerie ang naging kabit ng asawa niya?

Aiza matiyaga sa bag ni Liza

Ang cute nina FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair Liza Diño-Seguerra at husband nitong si Ice Seguerra nang makita namin sa presscon ng opening ng 3rd TOFARM Film Festival last Monday sa Novotel. Nakita naming may dalang bag si Ice at parang nabibigatan, kaya tinanong namin kung ano ang laman ng kanyang bag?

Bag pala ni Liza ang dala ni Ice at siya ang nagdala dahil bukod sa mabigat, umakyat ng stage si Liza para magbigay ng speech after ng speech ni Dr. Milagros How, ang TOFARM Chief Advocate. Pagbaba ng stage, in-interview na si Liza at may pictorial pa, kaya si Ice ang may hawak ng bag nito.

Pinasalamatan ni Dr. How si Liza at ang FDCP sa tulong nitong maipalabas ang six entries sa ibang sinehan, hindi lang sa SM Megamall at SM Manila. Sa one week festival, mapapanood ang six entries sa Robinsons Galleria, Trinoma, Gateway, Greenbelt 1, Gaisano Davao at Robinsons Legazpi mula September 12-18.

Ibinalita rin sa presscon na ang Short Films sa TOFARM Film Festival ay tatawaging Direk Maryo Awards in honor of the late director Maryo J. Delos Reyes, ang unang festival director ng TOFARM.

 

 

vuukle comment

LEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with