^

Pang Movies

Nagbigay na nga ng karangalan, gumagastos pa ng sariling pera Sen. Pacquiao ayaw tantanan ng paninira

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nagbigay na nga ng karangalan, gumagastos pa ng sariling pera Sen. Pacquiao ayaw tantanan ng paninira
Manny

Hanggang sa mga entertainment news ay pinag-uusapan si Senador Manny Pacquiao. Hindi naman kasi natin maikakaila na si Pacman ay isa ring actor at singer. At saka kung ganoon nga ka-popular ang tao, maaari bang hindi siya mapag-usapan?

Pero natawag ang aming pansin ng isang kaibigan na nagsabing binabatikos nga raw ng isang tao si Pacman na inakusahan din niyang “pinaka bobong senador,” at dahil hindi raw noon naipagtanggol ang Diyos noong binabatikos ito ni Pangulong Duterte. Kanya-kanyang paniniwala ang mga tao, at wala tayong pakialam kung ano ang gusto nilang paniwalaan. Pero umaayon kami na ang batikos ay may bahid ng pulitika, na hindi naman maiaalis dahil pulitiko rin si Pacman.

Ang daming ginagawa ni Pacman eh. Isa siyang boxer, iyon ang pinaka-una. Isa rin siyang pulitiko. Isa rin siyang actor dahil ilang pelikula na rin naman ang nagawa niya, bukod sa ilang pelikula pang nagawa na tungkol sa kanyang buhay. Bagama’t sinasabing si Pacman ay isang “Born Again Christian”, hindi naman niya inako na siya ay isang Pastor. At kung siya man ay isang pastor, palagay namin, hindi rin niya katungkulang makipag-away dahil nilait ang Diyos. Boksingero si Pacman, pero hindi naman sinabi ng Diyos na suntukin niya ang mga hindi ayon sa kanyang pananampalataya. Hindi rin naman kailangan ng Diyos si Pacman para ipagtanggol ang Kanyang sarili.

Gusto rin naming banggitin ang sinasabi sa isang liham pastoral ng Kapulungan ng mga Obispong Katoliko sa Pilipinas, o CBCP. Hindi tayo kailangang makipag-away kung ‘di ipana­langin natin ang mga taong pinaniniwalaan nating gumagawa ng mga bagay na labag sa ating pana­nampalataya.

Huwag nating sisihin si Pacman doon sa hindi naman niya sakop. Bilang tao, si Pacman ay nagbigay ng mga ambulansiya sa local governments, nagpatayo ng isang ospital para sa mahihirap, at nagpatayo ng pabahay para sa mga biktima ng kalamidad, gamit ang sarili niyang pera. Sabihin mang hindi siya matalino, kahanga-hanga naman ang kanyang pagtulong sa kapwa.

Janine inaatake ng fans na parang asong ulol

Kawawa naman si Janine Gutierrez. Si Janine ay isang aktres, at natural na sumusunod lamang sa kung ano ang ipagagawa sa kanya ng network kung saan siya naka-kontrata. Hindi nang-aagaw ng ka-love team si Janine, iyon ay trabaho lang para sa kanya.

Hindi siya maaaring pumili kung sino ang magi­ging leading man niya, at nakatrabaho na niya ang iba’t iba ang leading men. Hindi siya nabubuhay bilang isang member ng love team. Siya ay isang aktres. Hindi siya dapat sisihin ng fans na walang inaasahan kung hindi ang isang love team.

Ano ang kasalanan ni Janine para away-awayin siya ng hecklers? Hindi namin sila maintindihan. Bakit hindi ang network ang kanilang sisihin. Natatakot ba sila kung gagawin nila iyon ay ma-ban sila sa network at hindi na makapasok sa loob noon? Aba eh para kayong mga asong mali ang tinatahulan.

Minsan naman, ang mga tao ay dapat mag-isip ng tamang katuwiran bago dumaldal. After all, iyon ang dahilan kung bakit sila tao.

 Dapat may isip sila. Kahit nga ang mga aso ay may isip eh, alam niya at kilala niya kung sino ang kanyang dapat tahulan. Kung hindi niya alam ang tatahulan niya, aba eh may problema na ang aso. Tingnan ninyo kung naglalaway, at kung ang buntot ay pumapasok sa pagitan ng mga paa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with