^

Pang Movies

Coco binubuhay din ang OPM

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Coco binubuhay din ang OPM
Coco Martin

Hindi lang ang maraming artista ang binibigyan ng trabaho ni Coco Martin sa palabas nitong FPJ’s Ang Probinsyano na gabi-gabing napapanood sa Kapamilya Network kundi maging ang OPM ay binubuhay din nito.

Mula sa official soundtrack nitong ‘Wag Ka Nang Umiyak ni KZ Tan­dingan duet version nila ni Ebe Dancel, Basta’t Kasama Kita ni Daryl Ong, hanggang sa ginamit na rin ang mga cover ng iba’t ibang artists para sa iba’t ibang eksena, gaya ng kantang Ano’ng Nangyari sa A­ting Dalawa ni Gary Valenciano at minsan ang version din nina Aiza Seguerra at Moira dela Torre; Isang Pamilya Tayo ni Yeng Constantino, Bomba ni Zeus Collins, Don Romantiko ni Pepe Herrera, Ako si Superman ni Jovit Baldivino, Kaba ni Tootsie Guevara, Basang-basa sa Ulan ng Aegis, Kung Ako na Lang Sana ni Bituin Escalante, Boom Karaka-raka ni Vice Ganda, at Nandito na ang Vendetta nina Smugglaz at Bassilyo.

Pati nga ang mga kanta na malakas makapagpa-senti ay ginagamit din sa mga drama at hugot na aktingan sa nasabing palabas, tulad na lang ng Ika’y Mahal Pa Rin ng Rockstar.

Patuloy pang humahaba ang listahan ng OPM play lists sa Primetime Bida ni Coco na mas lalong nagiging exciting at ma­damdamin dahil sa mga kantang binubuhay ng kanyang series.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with