Sharon Cuneta
Sharon hindi na nakatiis, bumiyahe para kay Gong Yoo
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

Jinkee naghahanda para sa concert ng iniidolo

Certified K drama addict na nga si Sharon Cuneta. Nasa Seoul siya base sa photos na ini upload niya sa kanyang social media account kahapon. Giliw na giliw si Ms. Shawie kay Korean superstar Gong Yoo matapos niyang mapanood ang Goblin. “Kung saan unang nagkasalubong si Goblin (Gong Yoo) na nakapayong at si Ji Eun Tak! (Paglampas namin: Kakie: Mama, you’re breathing the same air!” Me: I know! So exciting! Teka...amoy wiwi!” Ngek. Buti lagpas na kami sa linakaran nila! Hahaha!,” caption niya kahapon.

In love na in love si Ms. Shawie ngayon kay Gong Yoo.

Magplano rin kaya si Ms. Shawie na i-produce ng concert sa bansa ang Korean superstar  na kinababaliwan niya tulad ni Jinkee Pacquiao na ikinakasa na ang meet and greet sa bansa ng kanyang favorite K actor na si Ji Chang Wook na kasalukuyan pang nasa military training pero nakikipag-negotiate na diumano ang kampo ni Jinkee para paglabas nito ay pumunta ito ng bansa.

Wow, parami nang parami ang K drama addict club. Nauna nang nabaliw sina Anne Curtis, Bela Padilla at maging si Nay Lolit Solis sa K drama.

Nakailang ulit bumiyahe ng Korea sina Anne and Nay Lolit, but sadly pareho silang bigong makadaupang palad ang kanilang mga lalaking kinagigiliwang makita.

Hahaha.

Luis mas lalong nai-inlove kay Jessy

#RelationshipGoals nga sila Luis Manzano and Jessy Mendiola. Kaya naman wish ng followers nila, ikasal na sila. “Just letting you know that You make each day better and better how @senorita_jessy,” ang caption ni Luis sa iniupload niyang sweet photos nila ni Jessy sa Facebook kahapon.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with