^

Pang Movies

Male celebrity nahuli ang dyowang starlet na ibinubugaw ang sarili

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malalim pala ang dahilan kung bakit nakipag-break ang male celebrity na ito sa kanyang girlfriend na female starlet.

Marami kasi ang nagulat na pagkatapos na maging very sweet ang dalawa sa isa’t isa ng matagal, bigla na lang daw bumitiw si male celeb sa kanilang relasyon.

Tahimik naman ang female starlet sa dahilan kung bakit sila biglang naghiwalay ni male celeb.

Mula sa isang reliable source, napag-alaman daw kasi ni male celeb na bukod sa pag-aartista, may iba pa palang raket na ginagawa ang female starlet para kumita ng extra.

Nalaman ni male celeb na nakikipag-date raw ang girlfriend niya sa mga kilalang politicians. May bugaw daw ang girlfriend niya na nag-a-arrange ng pakikipagkita nito sa mga pulitiko.

Kaya pala minsan ay nagulat si male celeb na nakabili ang kanyang girlfriend ng bagong sasakyan at isang mamahaling condo unit kung saan kasama nito ang kanyang kapatid.

Ang alam kasi ni male celeb na breadwinner ang kanyang girlfriend at hirap ito financially. Pero nakakagulat nga naman ang biglang yaman na nito.

Noong kinompronta raw ni male celeb ang kanyang girlfriend, hindi raw ito nagsalita at umiyak na lang daw. Para kay male celeb, pag-amin na iyon sa balitang nalaman niya.

Kaya noong tinapos na ni male celeb ang relasyon niya kay female starlet, nag-iiwasan na sila kapag may mga events na nandoon sila pareho.

Rich at Benj pine-pressure ng pamilya sa pagkakaroon agad ?ng anak

After ng intimate wedding sa Hong Kong ng Kapuso actress na si Rich Asuncion sa rugby player na si Benj Mudie, balik-Pilipinas na ang newly-weds para harapin ang kani-kanilang trabaho.

On-hold daw muna ang kanilang honeymoon dahil gusto raw muna nilang pag-ipunan ito.

Kapwa kasi may mga trabaho sina Rich at Benj kaya iyon daw muna ang gagawin nila sa ngayon para makaipon sila.Para kay Benj, puwede naman daw sila mag-honeymoon pero ditu-dito na lang daw muna sa Pilipinas.

“I think somewhere local lang. We’ve spent a lot of time abroad this year so far,” diin pa ni Ben.

Si Rich na raw ang bahala sa pagba-budget dahil magaling daw itong maghawak ng pera.

Sa usapang baby naman, wish ng bagong kasal na this year na sila makabuo ng anak nila.

Si Benj daw ang unang magdadala ng apo sa pamilya nila kaya may pressure daw dito.

“’Yung family niya, wala pang apo. Pero sa family namin meron nang isa. Sana this year, magkaroon kami ng baby,” pagtapos pa ni Rich Asuncion-Mudie.

vuukle comment

RICH ASUNCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with