^

Pang Movies

Aktor na may karelasyong aktres, muntik maagaw ng gurang!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bantay-sarado ang female celebrity na ito sa kanyang actor-boyfriend dahil napag-alaman nito mula sa kanyang mga chismosang friends na patuloy ang pakikipagkita ng boyfriend nito sa ibang babae.

Nalokah lang si female celeb nang malaman niya na ang babaeng kinababaliwan ng kanyang boyfriend ay mas matanda pa sa kanilang dalawa.

As is, puwedeng gumanap daw na nanay niya sa isang teleserye ang babaeng kinahuhumalingang ng kanyang boyfriend kaya muntikan na silang magkahiwalay noon.

Walang clue noon si female celeb kung sino ang babaeng iyon na naging dahilan ng paulit-ulit na away nila. Hanggang sa madiskubre niya ang totoo mula sa mga concerned friends niya.

Nagtataka lang si female celeb kung bakit tila na-in love ang boyfriend niya sa mas matandang babae? Hindi raw kaya naghahanap ito ng kalinga ng isang mas mature na babae?

Napag-alaman din ni female celeb na maasikaso raw si matured other woman kaya siguro nagustuhan ito ng boyfriend niya. Parati raw itong pinag­luluto ng mga paborito niya at kapag may taping, pinadadalhan ito ni matured other woman ng baon.

Kaya si female celeb ay pinag-aralan ang mga paboritong pagkain ng kanyang boyfriend. Tuwing iimbitahan niya ito for lunch or dinner sa bahay nila, hindi na siya umo-order sa restaurant dahil siya na mismo ang nagluluto.

Inalam din ni female celeb ang password ng mga social media accounts ng kanyang boyfriend para alam niya ang lahat ng mga messages nito.

So far, wala raw bakas sa ngayon si mature other woman sa buhay ng boyfriend niya.

Kim P500 lang dati ang TF sa magdamag

Kahit na isa na sa mga sikat na talent ng GMA 7 si Kim Domingo, hindi pa rin niya kinakalimutan ang mga panahon na naging isang extra siya sa showbiz.

Naka-relate ang tinaguriang Pantasya ng Bayan sa isang Facebook post ng isang nagngangalang Efren Mark Cincio na isang extra sa isang TV show.

Dito nagbalik-tanaw si Kim noong mga panahong ume-extra siya noong high school siya. Pangarap na kasi niya noon ang maging artista, pero dumaan siya sa pagiging extra at naranasan niya ang lahat ng hirap ng pagiging isang extra.

“Hindi ko makakalimutan nung mga panahon na nagtatalent pako highschool days ko. Mga panahong nangangarap pa lamang akong maging artista, inet, pagod, puyat, gutom halo halo na yung nararamdaman mo. Tas pag kakain ka kahit saan nalang basta may mapwestuhan ka. Ako nga naexperience ko sa kalsada naglagay lang kaming mga kapwa ko talent ng sapin para may maupuan kami para makakain kami ng kahit papano kumportable. Tapos after kumain mahaba habang oras nanaman aantayin mo kung kailan ka isasalang sa eksena. Yung hindi mo alam ano oras ka makakauwi. Antok na antok kana. Hahanap ka pwesto para umidlip man lang,” post ni Kim.

Nakatanggap daw si Kim ng bayad na P500 para sa pag-extra niya ng magdamag. Gagamitin daw niya ang pera na iyon para makabili siya ng damit kung sakaling kunin siya ulit na mag-extra. Pero mas madalas daw na binibigay niya sa kanyang magulang ang kinikita niya sa pag-e-extra.

Malaking tulong kay Kim ang nabigyan siya ng break at natupad ang pangarap niyang maging isang artista. Isang payo niya sa mga tulad niyang umeekstra na huwag silang mawalan ng pag-asa at ipagpatuloy lang daw nila ang kanilang mga pangarap.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with