^

Pang Movies

Ellen nagbakasyon muna bago humarap sa korte!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ellen nagbakasyon muna bago humarap sa korte!
Ellen Adarna

Hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ang reaksyon ni Ellen Adarna tungkol sa kasong Child Abuse at Cyber Libel na isinampa sa kanya ni Myra Santos, ang nanay ng babaeng kinuhanan niya ng video sa restaurant. Pero up to now ay wala pang kahit anong statement ang aktres tungkol dito.

Marami nga rin ang naka-monitor sa kanyang Instagram account lalo na sa taga-showbiz pero wala rin siya talagang ipino-post tungkol dito.

Sa halip, makikita sa latest post ni Ellen na nasa bakasyon na naman sila ni John Lloyd Cruz.

Nag-post siya ng napakagandang view ng Amanpulo at nag-upload din siya sa kanyang IG Story ng video ng naturang lugar at makikita rin si Lloydie sa naturang video.

Pero siyempe, sooner or later ay kailangang sagutin at harapin din ni Ellen ang kaso at inaabangan na rin ng media ang first hearing nila at ang unang pagkikita sa korte ng magkabilang kampo.

Aiko hindi nakatiis nang punahin ang kanyang damit

Sinagot ni Aiko Melendez ang isa niyang basher na pumuna sa suot niya nang dumalaw sila ng boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun sa burol ng dating Senador Edgardo Angara sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Nag-post si Aiko ng larawan nila ng boyfriend habang nasa burol at sa caption, aniya, “Condolence to the family of senator Sonny Angara from mayor Jay Khonghun and I. Our country just lost a good legislator Senator Edgardo Angara…”

May nag-comment na “attire wasn’t appropriate for a funeral.”

Hindi ito pinalampas ni Aiko at sinagot niya ang netizen.

“You don’t go to a funeral to dress up. You go there to sympathize with the family…Simplicity at its finest. #justsaying,” sagot ni Aiko.

Sa larawan ay makikitang naka-simpleng maong and white blouse si Aiko na para sa amin naman ay okay lang.

Angelika hindi tinablan ng paninira

Sa pangalawang pagkakataon ay nanalo si Angelika dela Cruz bilang Kapitana ng Barangay Longos, Malabon sa eleksyon na ginanap last Monday.

Landslide win ang aktres sa boto niyang 10,537 vs 4,408 ng kalaban base sa kanyang IG post.

Masayang-masayang nagpasalamat si Angelika sa pagtitiwala na ibinigay muli ng kanyang kabarangay kahit pa nga napakarami raw nanira sa kanya.

“Kahit puro paninira ang ginagawa ng mga kalaban sa amin, masaya pa rin kami dahil sa pagmamahal ng Barangay Longos,” post ni Angelika.

Saad pa ng isa niyan post, “maraming salamat po sa pagmamahal at pagtitiwala sa Barangay LOngos “#teamdelacruz landslide tayo 10,537 vs 4,408.”

Maging ang kanyang kapatid na si Erick ay nanalo naman bilang kagawad.

Marami ang natuwa ring mga kaibigang artista sa pagkakapanalo ni Angelika at nagpahatid din ng pagbati sa comment section tulad nina Ara Mina, Bea Binene, Vina Morales, Cholo Barretto among others.

After the election ay balik-trabaho na si Angelika at nag-taping ng Tadhana episode kung saan, ang director ay ang kapatid niya sa PPL Entertainment na si Dingdong Dantes.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with