^

Pang Movies

Nanay ni Maine, pumalag na sa fake news

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Nanay ni Maine, pumalag na sa fake news
Maine Mendoza

Hindi na rin nakatiis ang nanay Mary Ann ni Maine Mendoza sa kung anu-anong lumalabas na bashings sa social media dahil sa ilang araw na hindi nag-appear ang anak sa Eat Bulaga dahil sa LBM at dehydration.

Nagpasalamat siya sa mga nagmamalasakit kay Meng at sinabing okey na ang anak, nagpapahinga na lamang under their care. Sana raw ay huwag magkalat ng fake news ang iba to avoid confusion. 

Last Thursday, may lumabas nang picture ni Maine na nasa bahay nila sa Sta. Maria, Bulacan. Hindi pa rin siya nag-report sa sugod-bahay kahit nasa Pulilan, Bulacan lang ang JoWaPao, dahil pinagpapahinga pa siya ng doctor.

John at Inah, tuloy na sa drama!

Maraming natuwang fans nina Janice de Belen at John Estrada nang pumirma sa GMA Network, at ang wish nila ay muli silang magkasama sa isang teleserye dahil nasa GMA na rin si Janice.

Pero malabo dahil bago pa nakalipat si John sa GMA, last Wednesday, May 2 lamang siya lumipat at pumirma ng exclusive contract sa Kapuso Network, nabalita nang bumalik muli si Janice sa ABS-CBN, at may bago na itong teleserye na gagawin doon, kasama sina Angel Locsin at Ryza Cenon, ang The General’s Daughter.

Kaya si John, nang ma-interview ng Chika Minute ng 24 Oras, sabi niya: “Masaya, masaya. I feel so welcome and at the same time excited. It’s a fact naman na I love challenges. And as you mature, siyempre, mas marami kang gustong patunayan sa sarili mo. At dito sa GMA, maganda, interesting yung mix of content and, of course, bagay sa akin yung versatility na in-offer nila.”

Samantala, noon pa ay balita nang magkakasama sila ng anak niyang si Inah de Belen sa gagawin nitong serye. At iyon ang inaabangan ng mga netizens, ang pagsasama ng mag-ama dahil never pang nakatrabaho ni Inah si John dahil magkaiba ang network nila noon.

Naglayasan...

Malapit nang magtapos ang romantic-comedy series na The One That Got Away, pero nakakatuwa na hindi naapektuhan ang serye kahit umaalis ang main characters, like si Dennis Trillo, kasama si Migo Adecer, with Solenn Huessaff ay nasa Pinoy Fest 2018 sa Dubai. Si Lovi Poe ay nasa Berlin, Germany para sa Omega watch. Si Rhian Ramos naman ay kababalik lamang from a 10-day Japan vacation.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with