^

Pang Movies

Maikasal lang kay Kylie, Robin gustong hatakin sa simbahan si Aljur

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maikasal lang kay Kylie, Robin gustong hatakin sa simbahan si Aljur

Aljur, Alas. at Kylie

Tahasang sinabi ni Robin Padilla sa presscon ng Sana Dalawa ang Puso na pakasalan lang ni Aljur Abrenica ang anak niyang si Kylie Padilla at wala silang magiging problema.

“Ako’y tatay, ang lahat ng tatay, gusto, pakasalan ang anak. Eh ‘pag napakasalan niya ‘yung anak ko, ‘di wala kaming issue,” pahayag ni Binoe.

He added, “one plus one lang ‘yun, kailangan ba niyang pag-isipan pa kung ano ang problema namin, ‘di ba? ‘Yun lang ‘yun. Wala naman akong ano sa kanya.”

When asked kung kinausap ba niya si Aljur at nag-request na pakasalan si Kylie, ani Binoe ay hindi raw siya marunong mag-request.

“Magri-request ako? Hindi ako marunong mag-request. Kung papayagan lang ako ng anak ko, hinatak ko ‘yan (Aljur) hanggang simbahan,” sambit ni Binoe na nagtawanan ang press.

Pero ano masasabi niya sa tsikang si Kylie raw mismo ang ayaw muna magpakasal?

“Ah hindi ko alam. Sa kanila ‘yan. Ako kasi, number one akong simbolo ng freedom. So, kahit sa mga anak ko, hindi ako double standard. Sa ibang tao, nagtuturo ako ng freedom, sa mga anak ko, hindi? May kalayaan ang anak ko sa gusto niyang gawin.

“Ang sinasabi ko lang, kung gusto nilang makuha ‘yung suporta ko, eh sundin nila ako. Nga­yon, kung ayaw naman nilang kunin ‘yung suporta ko, ‘di huwag nila akong sundin. Huwag silang gumawa ng issue sa akin,” he said.

Pero aminado si Binoe na tuwang-tuwa naman siya sa kanyang apo na si Alas na anak nina Aljur at Kylie. Matatandaang unang nakita ng action star ang apo sa 1st birthday ng anak nila ni Mariel Rodriguez na si Isabella.

Aniya, sobrang saya niya raw nang makita ang apo sa unang pagkakataon.

“Aba’y ang guwapong bata, eh. Saka nagpunta kami ni Kylie sa kasal, natuwa ako, eh. Lumapit siya, ibinigay niya sa akin si Alas. Buong sermon ng pari, hanggang dulo, nandun lang (karga niya), ‘di umalis du’n. Natuwa ako, sabi ko, ‘aba mukhang mas okay ang apo sa anak, ah. Mas behave ang apo’!” bulalas ni Robin.

Samantala, pagkatapos ng box-office hit movie nila ni Sharon Cuneta na Unexpectedly Yours ay hataw naman sa telebisyon si Binoe. Napapanood siya ngayon sa Pilipinas Got Talent bilang isa sa judges at magsisimula naman sa Jan. 29 itong Sana Dalawa ang Puso with Jodi Sta. Maria and Richard Yap.

Joross pinipigilan ng misis na maging bading

Magkasunod na gay role ang ginampanan ni Joross Gamboa lately. Katatapos lang niya ng Deadma Walking na napanood sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 at ngayon ay mapapanood na naman siya bilang bading sa Ang Dalawang Mrs. Reyes kasama sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban.

Aminado si Joross na noong una’y natakot siyang ma-typecast sa gay role. Pero itinuring na lang daw niyang blessing ang mga oportunidad na ito na dumarating lalo na nga itong Ang Dalawang Mrs. Reyes kung saan ay parehong bigating aktres ang kasama niya.

“Siguro, dahil na-execute ko siguro nang maayos, siguro, dahil femine rin ‘yung features ko,” sey ni Joross.

Natawa kami nang mag-joke ang aktor na malapit na nga raw siyang matuluyang maging ba­ding.

“Pero buti na lang, ginagalingan ng asawa ko pag-uwi ko,” natatawa pa niyang sey.

Showing na ngayong Jan. 17 ang Ang Dalawang Mrs. Reyes mula sa Star Cinema, Quantum Films and IdeaFirst Company.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with