^

Pang Movies

Ilang celebrity na dadalo sa traslacion, ? magpapanggap na ibang tao!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ilang celebrity na dadalo sa traslacion, ? magpapanggap na ibang tao!
Coco Martin

Bukas na ang piyesta ng Poong Nazareno ng Quiapo Church kaya dapat iwasan ng mga motorista ang mga lugar na daraanan ng Traslacion dahil siguradong ma­tindi ang traffic situation sa Maynila.

May mga artista na deboto ng Black Nazarene pero incognito sila kapag magsisimba sa Quiapo Church para hindi nila makuha ang atensyon ng fans.

Si Coco Martin ang isa sa mga showbiz perso­nality na deboto ng Black Nazarene. Sa mga television perso­nality naman, si Kabayan Noli de Castro ang malaki ang pananampalataya sa patron ng Quiapo Church. Sumasali pa nga si Papa Noli sa Traslacion na dinudumog ng libu-libong devotees kaya inaabot ng gabi.

Ipagdasal natin na wala sanang masaktan sa Traslacion na mangyayari bukas at utang na loob, doblehin ang pag-iingat at huwag nang magsama ng mga maliliit na bata at matatanda para iwas-disgras­ya.

Sylvia pinaghirapan ang ?narating

Totoo ang sinabi ni Sylvia Sanchez sa presscon ng Mama’s Girl na pinaghirapan niya ang lahat ng mga magagandang nangyayari ngayon sa kanyang acting career.

Naranasan ni Sylvia na maging biktima ng bullying at mga pang-aapi noong nagsisimula pa lamang ang showbiz career niya.

Pero hindi nagpatalo si Sylvia na kung kailan nagkaedad, saka nagbibida sa mga teleserye at pelikula dahil sa sipag at tiyaga.

Bukod sa ulirang ina, ulirang asawa si Sylvia na hindi iniwan ang kanyang asawa na si Art Atayde nang dumanas ito ng mga pagsubok.

Napakabait din na asawa ni Art na nakilala ko nang maging member ako ng Oasis of Love Charismatic Community noong 1994.

Parehong mga miyembro sina Art at Sylvia ng Oasis of Love na inumpisahan ni Christopher de Leon.

Noong hindi pa nagkakaroon ng sariling puwesto ang Oasis of Love sa Mandaluyong City, ang chapel sa Camp Crame ang venue ng mga prayer meeting namin at in fairness to me, masipag ako na mag-attend.

Aktor na pa-booking numero unong pumapalag sa blind item

Hurt ang isang aktor dahil feel na feel niya na siya ang subject ng blind item tungkol sa aktor na pa-booking para magkaroon ng datung.

Pinayuhan ang aktor na mga kaibigan niya na huwag mag-react at magpaapekto sa blind item dahil parang admission of guilt ito.

Nasasaktan ang aktor dahil may mga pinagdaraanan na nga siya na mabibigat na pagsubok, biktima pa siya ng mga malis­yosong tsismis na walang matibay na basehan.

Naranasan noon ng aktor na magkaroon ng mga indecent proposal pero walang confirmation kung tinanggap niya.

Liz Uy ?may kailangang linawin!

Nababaitan ako sa celebrity stylist na si Liz Uy kaya nakaka-sad na nakakaranas siya ngayon ng mga bashing mula sa mga tao na hobby na ang maghusga.

Wish ko lang, magkaroon si Liz ng lakas ng loob para idepensa ang sarili laban sa mga malicious accusation.

Ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz si Liz at ngayon pareho sila na headline ng mga gossip column dahil sa mga controversy na kinasasangkutan nila.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with