^

Pang Movies

Alagang-Alaga ni John Lloyd, Ellen malaki na ang tiyan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Ingat na ingat na raw kumilos si Ellen Adarna ngayon. Nakita kasi sa isang high end hospital ang mag-dyowang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna nung isang araw. At base sa photos na natanggap ko mula sa isang reader, malaki na ang tummy ni Ellen at hindi puwedeng ikailang buntis.

Yup, ang lapad na ng katawan ng sexy actress sa nasabing photos at nag-wheelchair pa siya nang bumaba ng escalator base pa sa natanggap kong litrato.

Wala pang direktang pag-amin ang kampo nina John Lloyd and Ellen sa tunay na kondisyon ng sexy actress pero marami nang sightings na magkasama sila at visible ang baby bump ni Ellen.

Kasalukuyan pa ring naka-leave si John Lloyd simula nang magbiyahe sila sa Europe ng sinasabing girlfriend niya at magi­ging ina ng anak niya.

Naunang lumantad ang sweetness ng dalawa sa Cebu. Hanggang nagpaalam si John Lloyd sa ABS-CBN na magbabakasyon sila sa Europe pero umano’y hindi pinayagan ang actor kaya nag-file ito ng LOA.

Itinuloy nila ang bakasyon ng ilang linggo. Base sa kanilang social media accounts nagpakalunod sila sa kaligayahan habang isinabay ang pamamasyal.

Nang magbalik sila ng bansa ay nakita na naman silang magkasama hanggang sa Cebu na sinasabing namanhikan ang actor sa mga magulang ni Ellen.

At ito nga, nakita na silang magkasama at nari­rinig na ring nagkukuwento si Ellen na preggy siya.

Umamin na kaya sila publicly ngayong visible na ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen?

Maapektuhan kaya ang kani-kanilang career kung lalantad sila?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with