^

Pang Movies

Pinoy rock legend na si Pepe Smith kailangan ng dasal, pangatlong atake na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pinoy rock legend na si Pepe Smith kailangan ng dasal, pangatlong atake na!

Pepe Smith

Patuloy pa ring inoobserbahan ang kalagayan ngayon ng Pinoy rock legend singer na si Pepe Smith matapos itong atakihin sa puso kahapon.

Ayon sa kanyang official social media account, “Please offer a prayer for our Pinoy rock legend who’s now in the E.R.”

Nang huli ko siyang mapanood sa ASAP kung saan siya binigyan ng tribute, parang mahina na ang rock singer. Kahit sa pagsasalita ay hirap na dahil pangatlong atake na pala niya ito.

Sa darating na Sabado ay magkakaroon sana ng Pepe Smith Rock Fest, pero ayon sa mga organizer ng rock fest, kasalukuyan pa silang nagmi-meeting at maglalabas sila ng official statement tungkol sa malamang na maudlot na rakrakan with the legend.

Kasama sa mga pinasikat na kanta ni Pepe Smith at ng kanyang banda na naririnig pa rin hanggang ngayon ang Titser Enemy No. 1, Beep Beep, Balong Malalim at marami pang iba. Umabot umano sa 50 songs ang napasikat ni Pepe Smith at ng kanyang banda.

Bukod sa mga kanta, naging actor din siya.

Ipagdasal natin ang mabilis na paggaling niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with