^

Pang Movies

Empoy ibang-iba na ang aura!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Totoo ang kasabihang “sa tamang panahon…”

May mga bagay kasi na gusto mong makamit kung saan dadaan ka sa butas ng karayom at gagawin ang lahat ng paraan pero hindi pa rin mapupunta sa ‘yo ang minimithi.

Minsan ay mailap ang mga bagay na gusto mo gaya nang malaking bahay, kotse at mataas na salary.

Ginawa mo na ang lahat, pero wala pa ring nangyayari sa pagsisikap kaya bigo ka. Pero ang hindi mo alam, time will come na makakamit mo ang mga pangarap na binuo mo kasama na ang prayers. Kung para sa ‘yo, magiging sa iyo, sa madaling salita ito ang tinatawag na destiny.

Ano ba ‘yan? E si Empoy Marquez kaya ang gusto naming banggitin sa aming topic! Ang komedyante na lelempot-lempot noon ay ibang-iba na ang aura ngayon. Makisig, matikas, kuminis nang husto at tipong artista na talaga si Empoy. Higit sa lahat, may mga movie na siya, TV shows at endorser ng ilang produkto.

Ang maganda kay Empoy ay hindi nagbabago ang kanyang ugali. Nakatuntong pa rin sa lupa ang kanyang mga paa. Dumating na sa kanya ang kanyang destiny – ang sumikat at magkadatung! Mabuti at hindi nainip si Empoy sa kanyang tamang panahon.

‘Yan si Empoy Marquez, ang Baliuag, Bulacan boy, na umaapaw ang tuwa sa puso dahil sa mga natupad na niyang pangarap.

Ibinuko ng alalay young actress sugat-sugat ang puwet dahil sa kadugyutan

Hirap na hirap palang umupo ang isang young actress dahil sa langib ng sugat sa hiwa ng pwet niya. Natuyo raw ito kaya natural masakit kapag umupo.

E, dati raw kasi, nilalagyan niya ito ng ointment. E parang tinatamad na raw ang young actress sabi ng hitad na nagtsitsismis. Siguro raw ay nakuha ni girl ang sugat na ‘yun dahil sa hindi raw kasi nalalabhan ng mabuti ang mga panty at bra na kanyang isinusuot. Madalas daw kasing ibabad sa tubig ng isang buong gabi ng young actress ang kanyang mga damit at kinabukasan, sampay at pagkatuyo ay sinusuot niya ulit. Hindi man lamang niya ito sinasabon at pinaplantsa.

Hayy, hirap talaga! Tsitnismis ka ng dyulalay mo ‘pag iniiwan ka nang may war kayo!

Thank You…

Salamat po sa lahat ng mga nakiramay at nakikiramay sa pagkamatay ng aking grandson, Allan Paulo Celi, 17 years old. Naiibsan kami ng kirot sa dibdib at lungkot, at lalo na sa aming magayonon na lady editor Salve, kina Rodel, Debbie at Lanie ng PM. God bless us all!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with