^

Pang Movies

Kim tiyak na tuwang-tuwa, concert ni Justin Bieber kanselado!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kim tiyak na tuwang-tuwa,  concert ni Justin Bieber kanselado!

Kim Chiu

Dismayado ang Asian fans ni Justin Bieber sa biglaang pagkansela ng kanyang ma­nagement sa natitirang North American at Asian tour ng Purpose album niya. Kabilang na rito ang mara­ming Pinoy na agad bumili ng tickets para sa concert ni Bieber sa bansa sa September 30, 2017 sa Philippine Arena.

“Due to unforeseen circumstances” ang tanging dahilan ng management ng Canadian singer kaugnay ng kanselasyon ng huling bahagi ng concert tour ng international singer.

Agad namang nag-post sa Twitter ang isang Rhiza Pascua mula sa MM1 Live Productions ng announcement ng management ni Bieber. Para sa nakabili ng tickets, payo ni Pascua na pumunta sila sa SM Tickets para sa refunds.“Thank you for your understanding,” bahagi ng tweet ni Rhiza.

Siyempre, tuwang-tuwa si Kim Chiu sa kanselasyon ng concert ni Justin. Mula nang kumalat ang pahayag sa kanya ni Bieber na, “I’ll see you in the Philippines,” pinansin ng ilang international websites si Kim.

Kaso nga lang, may previous appointment ang Chinita Princess sa Sept. 30 kaya hindi rin siya makakapanood kaya waley rin ‘yung nakatakda sana nilang face to face ni Justin!

Aiai wini-wish na mabuntis pa!

Inihain kay AiAi delas Alas ang isang regular series, sitcom at iba pang programa nang mag-renew siyang muli ng kontrata sa GMA Network nu’ng Lunes bukod sa regular shows niyang Sunday Pinasaya at Hay Bahay.

Eh rason ng Comedy Queen sa papirmang muli ng two-year contract, ang GMA lang ang may offer sa kanya. Inakala kasi ng network na babalik na siya sa dating istasyon dahil sa balitang gagawa siya ng movie sa Star Cinema.

“Saka kung saan may trabaho. Eh ‘yung sa Star Cinema, wala pa naman ‘yon,” say ni AiAi sa isang hiwalay na chikahan sa kanya after niyang pumirma.

Kakayanin ba niya ‘yung bagong series eh magpapakasal na sila ni Gerald (Sibayan)?

“Kaya ko ‘yun! May mga umaayos na rin naman ng kasal,” sabi niya.

Sa December 12 ang kasal nina Ai at Gerald sa isang cathedral sa QC. Gusto niyang bidang-bida siya sa kasal at maganda.

“Dapat maganda at bida ako. Minsan lang naman ako magpapakasal sa simbahan,” rason ni AiAi.

Bukod sa selebrasyon dito, magkakaroon din siya ng selebrasyon sa ibang bansa dahil nandoon ang ilang ninong at ninang nila. Wish nga lang niya, matulad siya sa international singer na si Janet Jackson na nabuntis pa rin kahit may edad na!

“Naku, pag nagkatotoo, ipapapahinga ko talaga ang katawan ko at wala munang work,” bulalas ng Comedy Queen.

Anyway, bilang pagmamahal sa Kambal niyang si Marian Rivera, pumayag si AiAi na ma­ging special guest sa pilot week ng Super Ma’am kahit na nga bugbog ang katawan niya sa kinunang bakbakan nila ni Yan sa mga eksena nila, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with