^

Pang Movies

Bianca regalo ang tingin sa biglang paglobo ng dyoga!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-uumapaw ang ganda ng Kapuso teen actress na si Bianca Umali, kaya naman hindi na nakapagtataka kung marami ang nagkaka-crush sa kanya.

Sa edad na 17, dalagang-dalaga na ang katawan ni Bianca at inamin niyang minsan ay naku-conscious siya sa kanyang malalaking dibdib.

“Kaya po I try to wear clothes na natatakpan ang mga ito. Kasi nga bigla na lang siyang lumaki.

“But I’m proud to have them. Parang gift ito sa akin.

“May mga nagsasabi na blessed daw ako dahil hindi ko na kailangan magpalagay!” sabay tawa ni Bianca.

Si Bianca nga ang gaganap na Lawiswis sa bagong telefantasya ng GMA 7 na Mulawin vs. Ravena. Ang original na Lawiswis kasi sa original Mulawin noong 2004 na si Sam Bumatay ay hindi na interesado na magbalik showbiz dahil gusto nitong makatapos ng pag-aaral.

“Bata pa lang po ako, dream ko ang lumipad-lipad na parang ibon. Kapag may Halloween parties po, ang costume ko ay Mulawin at feeling ko, ako si Angel Locsin.

“Kaya noong ibigay sa akin ang role na Lawiswis, natuwa ako kasi natupad ang matagal ko ng dream. Napapanood ko po kasi ang Mulawin noon at nakakakilabot lang na part na ako ng pagbabalik niya sa GMA 7,” ngiti pa ni Bianca.

Magkasama sila ng ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix na gaganap ulit bilang Pagaspas.

Marami pa rin ang naiintriga kung ano na ba ang status nila ni Miguel?

“Close friends po kami ni Miguel. Sa lahat ng mga guys sa GMA-7, siya ang pinakamalapit sa akin.

“Wala pa pong ligawan kasi bawal po. Ayaw pa ni lola na magpaligaw ako.

“Maghintay daw ako when I’m 18 years old. Puwede na akong magpaligaw sa edad na iyon.

“Eh next year pa po ako mag-turn 18 kaya hintay-hintay na lang muna sila,” tawa pa ulit ni Bianca.

Jinky Vidal may comeback

Apat na taon na hindi nakapag-perform sa malalaking venues ang dating lead vocalist ng bandang Freestyle na si Jinky Vidal.

Puro sa music lounges ng mga hotel ang naging venue ni Jinky at nasubukan na niyang maging entertainer sa mga cruise liners.

Ngayon ay balik siya sa pag-perform via #LoveThrowback2 (The Repeat) sa PICC Plenary Hall on May 27.

“Na-miss ko ang mag-show sa big venues. Kasi noong panahon na nasa Freestyle pa ako, ang mga venues namin Araneta Coliseum, Music Museum, ULTRA.

“Pero what I left the band noong 2011, I decided to lay low muna and do something else, pero kumakanta pa rin naman ako. Ngayon lang ako ulit nakapag-show sa malaking venue because of #LoveThrowback2.”

Nakilala ang Freestyle dahil sa mga hit singles nilang So Slow, Before I Let You Go at Bakit Ngayon Ka Lang.

Unti-unti na ngang nagbabalik si Jinky sa recording at meron na raw siyang mga material para sa kanyang comeback album.

“It will be an all-original album. I am slowly working on it.

“Kasi ngayon, puro mga revivals ang naririnig kong inaawit ng mga singers ngayon. Parang bihira na ang may original song talaga.

“Hopefully, ‘yung OPM bumalik ang dating sigla niya.

“Kasi when Freestyle was starting, puro kami original songs at nagustuhan iyon ng marami.

“I just hope na nandiyan pa rin ang mga tumatangkilik ng original Pinoy music. Magtulungan lang kami para bumongga ulit ang OPM,” pagtapos pa ni Jinky Vidal.

Jay Arcilla aminadong lola’s boy

Hindi nahihiya ang Kapuso hunk at One Up member na si Jay Arcilla na aminin na isa siyang lola’s boy.

Mas marami raw kasi ang na-spend niyang time kasama ang kanyang lola noong bata siya, kaya mas close raw siya rito kesa sa tunay niyang mga magulang.

“Pareho kasing nagwu-work ang parents ko noon. Kaya lagi akong nasa bahay ni lola at lolo.

“Kaya parang doon na rin ako lumaki.

“Kaya every time na uuwi ako ng San Pablo, Laguna, sa bahay ng lolo at lola ko ako dumidiretso para makumusta sila,” ngiti pa ni Jay.

Biggest fan din ni Jay ang kanyang lola, kaya sa lahat ng sinalihan nitong contest sa TV ay todo-suporta ang pinakamamahal niyang lola.

“Si lola kasi ang nagpu-push sa akin na subukan kong maging artista. Gusto raw kasi niyang pinapanood ako sa TV.

“Sumali na ako noon sa That’s My Bae sa Eat Bulaga. Tapos nag-StarStruck ako. Natuwa si lola noong umabot ako hanggang Top 6.”

Lumabas na si Jay sa mga GMA shows na Little Nanay, Naku Boss Ko, Dear Uge, Bubble Gang, Buena Familia, Magpakailanman, Wagas, Usapang Real Love, Alyas Robin Hood at Karelasyon.

“Gusto ko ang mga character roles. ‘Yung puwede akong mabait, bad boy, playboy, goons at kung anu-ano pa. Gusto ko ring maging magaling in both drama and comedy.

“Lalo na po sa comedy kasi sabi ng lola ko, nakakatawa raw po ako!” tawa pa niya.

Hinahasa rin ni Jay ang kanyang singing and dancing skills dahil parati raw silang may mall shows ng One Up. Ngayon ay kasali pa sila sa pagbabalik ng award-winning all-original Pinoy game show na Celebrity Bluff.

“Malaking tulong din po ‘yung marami kang alam gawin. Lalo na sa One Up, maraming magagaling sumayaw at kumanta sa amin. Kailangan makahabol ka sa kanila.

“Minsan, idaan na lang sa sex appeal! Konting ngiti at pa-cute, puwede na!”  pagtatapos pa ni Jay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with