^

Pang Movies

Paulo masyadong tahimik ang lovelife at career

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Bidang-bida si Paulo Avelino sa katatapos na Bb. Pilipinas Universe, kung saan ang Bicolana beauty na si Rachel Peters ang nagwaging Bb. Pilipinas-Universe.

Ang guwapo ng dating niya ng gabing iyon, sa totoo lang.

Kung bakit wala yata siyang projects ongoing, either sa TV o big screen, iyan ang gustong malaman, lalo’t ng kanyang mga tagasubaybay.

Nakapag-taping na raw sila ng Promised of Fore­ver, first series together nila ng bagong Kapamilya na si Ritz Azul, na ang ilang eksena ay kinunan pa sa abroad, pero, wala pang balita kung kelan ito isasahimpapawid.

Kelan nga ba?

Meanwhile, balitang may tampo kay Paulo ang kampo ni LJ Reyes, ina ng kanilang six year-old son na si Aki, since ‘di man lang daw naaalaalang dalawin ni Paulo ang bata.

Ganun pa man, specified din ng aming source na kung financial support sa bata ang pag-uusapan, walang pagkukulang si Paulo.

LJ, of course, is now currently linked kay Paolo Contis, na dating Kapamilya talent. Paolo is now a Kapuso, like LJ.

Paulo’s love life, on the other hand, is quiet na quiet. Although, at one time, mainit ang balitang naging “sila” ni KC Concepcion.

Ngayon ay confirmed na super in love si KC sa sportsman na si Aly Borromeo.

Mariel nagmana ng kaseksihan sa lola

Alam n’yo ba na ang lola ng newly-crowned Miss International 2017 na si Mariel de Leon na si Lilia de Leon ay considered the sexiest among her female peers noon?

Kahit pa kasal na ito sa nangungunang kontrabida sa LVN na si Gil de Leon, napanatili niya ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Tatlo bale ang naging anak nina Lilian at Gil, sina Pinky, Christopher (ama ni Mariel) at Melissa.

But according to Boyet (palayaw ni Christopher), si Mariel ang unang beauty queen sa kanilang pamilya.

Promise ni Mariel na tulad ni Kylie Versoza na nagwaging Miss International in Japan this year ay masusungkit din niya ang korona.

Good luck this early, Mariel.

Kris ayaw mag-expand ng kanyang burger

Gustuhin man daw ni Kris Bernal na mag-expand ng kanyang burger business, baka ‘di raw muna niya magawa since ‘di rin niya gustong pabayaan ang showbiz. Ito pa rin daw ang priority niya, no matter what.

And no need to ask why, Salve A.

Meanwhile, aware raw si Kris ng mga negative comment na ibinabato sa kanya dahil sa desisyon niyang magpa-sexy at mag-post sa men’s magazine. Before nga naman kasi, ang image na gusto niyang i-project ay innocent and fresh.

Well, everyone obviously should be reminded, too na 27 years old na si Kris on her last birthday.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with