^

Pang Movies

Maine magbabakasyon sa Maldives kasama si Alden

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine magbabakasyon sa Maldives kasama  si Alden
Maine Mendoza

May dream vacation pala si phenomenal star Maine Mendoza. Noong post birthday niya sa Manila Hotel, tinanong siya ni Lhar Santiago kung ano ang next project na gagawin nila ni Alden Richards after ng teleserye nilang Destined To Be Yours.

“Gagawa po kami ni Alden ng isa pang movie,” sagot ni Maine. 

“Pero gusto ko po munang magbakasyon bago kami mag-shooting ni Alden para ma-recharged. Sunud-sunod po ang trabaho ko, kaya gusto ko namang magpahinga kahit ilang araw lamang. Mahilig po ako sa beach, kaya gusto kong pumunta sa Maldives. Ma­tagal ko nang gustong pumunta roon, pero wala pong libreng schedule. Ngayon lamang nakahingi ako ng free time, kaya sasamantalahin ko na ito.”

Sino ang gusto niyang kasamang magbakasyon sa Maldives?

“Siyempre po, gusto kong kasama ang mga loves ko.”

Last year, after ng birthday celebration niya sa Eat Bulaga, pumunta si Maine ng Boracay kasama ang ilang staff ng Eat Bulaga. Sinorpresa si Maine ni Alden na nag-rent pa ng private plane para masamahan lamang siya sa whole day experience ng iba’t ibang water sports sa Boracay. Isa kaya si Alden sa mga ‘loves’ na makakasama ni Maine sa Maldives? Isang matamis na ngiti lamang ang sagot ni Maine.

Dingdong at Marian tuloy ang bakasyon

Ngayong Sunday ang alis nina Dingdong Dantes, Marian Ri­vera, at Baby Zia para sa five-day vacation nila sa Spain. Ayon kay Dingdong sa interview sa kanya sa Chika Minute ng 24 Oras, ngayon daw lamang nagtama ang schedule nila ni Yan. Kaya naman kahit saglit lang ay gusto na nilang makita nang personal ni Lolo Fran Gracia si Baby Zia. Pero marami raw silang maiiwanang trabaho kaya five days lang ang itatagal nila roon.

Tinapos nga muna ni Marian ang guesting niya as Graciang Grasa sa pilot telecast ng Daig Ka Ng Lola Ko ni Ms. Gloria Romero na mapapanood mamayang gabi pagkatapos ng Hay, Bahay, 7:30PM sa GMA Super Grande.

Natapos na rin ni Marian ang story confe­rence ng bago niyang teleserye sa GMA, ang The Good Teacher at pagbalik nila from Spain, magsisimula na silang mag-taping.

Nagkaroon na rin ng soft-opening si Ma­rian ng kanyang flower business na #FloraVidaByMarian at sa ngayon tuluy-tuloy na ang pagtanggap niya ng orders online. Magkakaroon siya ng formal opening ng flower shop soon.

Nag-trending naman sa Twitter last Friday evening ang guesting ni Marian sa Encantadia bilang si Hara Mine-a, ang reyna ng Lireo. 

Isa pang hihintayin ay kung ano ang character na gagampanan sa muling pagbabalik ni Dingdong Dantes bilang si Rama Ybrahim.

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with