^

Pang Movies

Mariel puro organic ang pinagagamit sa anak! Robin semi-retired na pero game kay Sharon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Semi-retired na ang tawag ni Robin Padilla sa sarili niya dahil nga ang dami na raw niyang tinanggihang offer. Pero hindi raw niya natanggihan ang request ng kanyang mga tagahanga na bumalik sa paggawa ng pelikula.

“Kaya namin ginawa ang Bad Boy 3. Kasi ‘yung opisina, nagtingin sila, ano ‘yan, eh, nag-aaral sila kung ano ‘yung gusto ng mga tagahanga.

“Ang lumabas na pinakamarami, ‘yung Bad Boy 3. Ginagawa ko ‘yung Bad Boy 3 para sa mga fans ‘yun, dahil gusto nila,” pahayag ni Robin sa latest interview ng media sa kanya.

May tsika ngang gagawa sila ng reunion movie ni Sharon Cuneta at ayon kay Binoe ay very much willing naman siya. Aniya ay hindi raw niya pwedeng tanggihan si Megastar dahil malaki raw ang utang na loob niya rito.

“Hindi naman ako magiging eto, kung hindi ako binigyan ng break ni Sharon,” he said.

Pero syempre, kung may movie man silang gagawin, dapat ay pag-usapan muna.

“Handa akong magbigay ng serbisyo ko,” he said.

Samantala, natanong din si Binoe kung kelan naman babalik sa trabaho ang misis niyang si Mariel, sambit ng action star, “eh sana, bumalik pa.”

Ayon kay Binoe, sa ngayon daw kasi ay may gustong patunayan si Mariel.

“Nasa gitna siya ng isang matinding science, eh. Mayroon siyang gustong patunayan. Na ‘yung anak niya, kaya niyang itawid ng organic lahat. Hindi ko naman siya kokontrahin do’n,” sey ni Binoe.

Kaya mukhang wala pa raw sa isip ni Mariel ang magbalik sa hosting at binigyan naman daw siya ng oras ni Direk Lauren (Dyogi of ABS-CBN).

Bela ayaw pa ring aminin si Zanjoe?!

Ipinakita ni Bela Padilla ang kanyang kaseksihan sa cover ng April issue ng Cosmopolitan Magazine na pinuri-puri talaga ng mga followers niya sa Instagram

Ipinost ng My Dear Heart star ang cover issue sa kanyang IG at sa caption ay nakasaad: “This year has been so amazing so far  and one of the reasons I can say that confidently is my first ever @cosmopolitan_philippines cover  thank you to the whole team who took really good care of me! I had so much work the day we shot this, but they made me feel so good while shooting this cover story (they even obliged my Lana Del Rey obsession) and I’m also excited to read he interview inside because I was asked things that you guys don’t actually know about me yet! So I’m excited to share bits of me with you through Cosmo! Again, thank you team Cosmo! please grab a copy!!!”

Sa kanyang panayam para sa nasabing mag, sinabi ni Bela na hindi raw niya akalaing magiging artista siya dahil mahiyain daw siya noong siya ay bata pa.

Pero nasa dugo nga niya ang pag-aartista bilang miyembro siya ng Padilla clan although sey niya, overwhelming pa rin daw on her part na nandito siya ngayon sa showbiz.

Ipinost din ni Bela ang larawan nila ng leading man sa My Dear Heart na si Zanjoe Marudo habang nagsu-shoot ng Ikaw ang Sunshine Ko summer station ID ng ABS-CBN at may nagtanong sa kanya kung ang aktor daw ba ang sunshine niya.

Zanjoe and Bela are being linked together now dahil nga sila ang magkapareha sa MDH pero kahit paulit-ulit na nilang sinasabi na magkaibigan lang sila, ayaw pa ring mamatay-matay ang tsismis na may namumuo nang more than friendship sa pagitan nila.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with