^

Pang Movies

Dante Barona ng Leyte sikat dahil sa kakaibang kondisyon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (March 26) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), ibabahagi ni Internet sensation at Kapuso child celebrity Balang ang kanyang experience mula sa kanyang huling pagbisita sa The Ellen DeGeneres Show habang dadalhin naman ng KMJS ang viewers sa mga bagong pasyalan na makakapawi sa init ng panahon.

Umabot ng mahigit 36 million views ang latest dance video ni Balang kaya naman sa ika-apat na pagkakataon, muli siyang inimbitahan sa Ellen DeGeneres Show sa Amerika. At mukhang may mga sumusunod sa yapak ng international child superstar. Dahil sa Manaoag, Pangasinan, may trio dancing sensation na nagpapakitang gilas sa kanilang paggiling sa tabi mismo ng kalsada. Fresh from America, si Balang, makikipag-showdown sa kanila.

Pupunta naman ang KMJS sa Subic, Zambales makikita ang ang pinakamalaking inflatable island hindi lang sa buong Pilipinas kung hindi sa buong Asya! Sa Angeles, Pampanga naman, pwede raw mag beer pong habang nakalublob sa swimming pool. Habang sa Sarangani, ikaw mismo ang sisid sa kanilang mga lato, para direktang kainin ito fresh mula pa sa dagat.

Hindi na lamang sa Baguio at La Trinidad, Benguet makakakita ngayon ng strawberry farms dito sa Pilipinas. Pwede na rin daw ngayong mag-strawberry picking sa Cebu, Antique at Davao. Pero ang mga taga-La Trinidad, hindi papayag na maagaw sa kanila ang titulo bilang “Strawberry Capital” ng Pilipinas. Kamakailan lang, inihain nila ang tatlong toneladang strawberry cake sa mga turista para sa taunang Panaspulan Strawberry Festival.

Sa mga naghahanap naman ng tunay na katahimikan sa piling ng kalikasan, may apat na isla sa Timog Kanlurang bahagi ng Leyte ang tinuturing na tagong yaman. Ito ang mga isla ng Apid, Mahaba, Digyo at Himukilan ang binansagang “Cuatro Islas” ng Leyte.

Nagmarka sa kasaysayan ang action star na si Dante Varona nang tinalon niya ang San Juanico Bridge para sa pelikulang Hari ng Stunt noong 1981. Pero sa kabilang bahagi ng makasaysayang istrukturang ito may katukayo pala ang action star na sikat din dito. Kaso, may taas lang ito na mahigit 20 pulgada, may maliit na pangangatawan, at inosenteng kaisipan. Hindi mo nga iisiping 23 taong gulang na ito. Siya si Dante Varona ng Mayorga, Leyte. Ano nga ba ang kanyang kondisyon?

Abangang lahat ng ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo pagkatapos ng Hay! Bahay! sa GMA-7.

vuukle comment

JESSICA SOHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with