^

Pang Movies

Aksidente ni Kris nakatulong sa kanyang travel show

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Marami ang nabigla noong mabalitang naaksidente si Kris Aquino sa taping ng kanyang travel show na Trip Ni Kris.

Nasa Nueva Ecija raw nang nabagsakan ng bakal sa paa.

Masakit mabagsakan ng kung anumang bagay sa paa lalo’t mabigat pero ang nakapagtataka, ay natutuwa pa ang mga ilang ‘fans’ ni Kris.

Kung ‘di raw kasing nabalitang naaksidente si Kris ay hindi pa nila malalaman na mayroon na pala siyang bagong travel show at nagti-taping na nga.

Malaking palaisipan pa kung magbabalik-telebisyon na ba talaga siya. Paulit-ulit na lang kasi ang balita na nagte-taping pero wala naman palang alok sa kanya ang GMA 7.

Sey ng iba, napakahirap magbalik lalo’t wala namang babalikan.

Jeric hindi nahirapan sa pagbabalik

Napapanood na naman ang dating action star na si Jeric Raval. Kasalukuyang siyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Si Jeric ay isang action star din noong araw at nakilala sa mga pelikula ni Sen. Lito Lapid.

Binuild-up siya ng OctoArts hanggang sa makilala at gumawa ng pangalan.

Hindi raw masyadong nahirapan sa pagbabalik ang aktor dahil gamay niya ang directorial job ni Direk Toto Natividad na nagdidirek ng Probinsyano.

Kdrama walang murahan at patayan kaya mas nagri-rate?!

Mapapansin na dumarami ang mga Koreananobelang napapanood sa bansa na halos tumalo pa sa local series natin.

Paano naman daw kasi nila hindi magugustuhan ang mga Korean drama, eh, sobrang nakaka-good vibes daw kasi ito at bihira ang sigawan at murahan.

Wala rin itong agawan sa lalaki, patayan, at pagsasagot ng kalapastanganan sa mga nakakatanda.

Ang ibang lokal serye nagsisimula pa lang nagmumurahan na at nagsisiraan.

Nakakairita raw panoorin dahil pulos galit sa dibdib ang ipinahihiwatig.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with