^

Pang Movies

Maxine kailangan ng boto pagpili sa mananalo sa Miss U iniba ang proseso!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Maxine kailangan ng boto pagpili sa mananalo sa Miss U iniba ang proseso!
Maxine Medina

Dapat pala talagang kabahan si Maxine Medina dahil iba ang magiging process sa pagpili ng mananalo sa Miss Universe 2016.

Ang dating Top 15, binawasan na ng tatlo, Top 12 na lang, na agad na iaaanunsyo sa coronation night sa January 30.

Pagkatapos nun ay pipili na ng nine candidates na aakyat sa next round.

Doon na pipili ng anim hanggang maging Top 3 na lang.

Hindi lang nakadepende sa mga hurado ang papasok sa Top 3 dahil may chance na mag-parti­cipate ang publiko sa pagboto.

Sa swimsuit, evening gown, Q&A at Final Look ang magiging basehan ng mananalo na base nga sa boto ng publiko at ng mga hurado.

Kaya ang kailangan talaga ni Maxine ay suporta at hindi bashing.

Kris Aquino

Kris sure na raw ang comeback sa Feb

Sure na raw sa February ang bagong show sa GMA ni Kris Aquino. Ang TAPE, Inc. ang producer (management niya rin) at wala na raw itong uru­ngan ayon mismo sa isang source na dating malapit sa TV host.

Ito ay kahit katatapos lang magbigay ng statement ng executive ng GMA na wala raw silang naririnig na programa for Kris ngayong first quarter of the year.

James Reid at Nadine Lustre

Jadine ang hot sa simpleng halik

Ang hot ng picture nina James Reid and Nadine Lustre na ini-upload ng huli sa kanyang Instagram account.

Nakatalikod sila habang nagmamaneho si James ng kotse at naka-shorts at bra at may flower sa hair si Nadine. At ang location nila, Tali Beach sa Batangas. “I miss you already” lang ang caption ni Nadine sa nasabing photo.

Kagabi ang ending ng teleserye nilang Till I Met You na hot trending topic sa lahat ng social media platforms.

 

 

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with