^

Pang Movies

Marian ipinalipat sa yayamaning ospital ang BFF

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian ipinalipat sa yayamaning ospital ang BFF
Marian

Si Marian Rivera-Dantes ang nagpalipat sa BFF (best friend forever) niyang si Norman Balbuena aka Boobay sa St. Luke’s Global matapos itong dumanas ng acute stroke noong November 24. Gusto kasi ni Marian na laging nadadalaw ang BFF niya dahil malapit lamang ito sa kanya. Kasalukuyang nasa Acute Stroke Care pa si Boobay. 

Sa findings, lumalabas naman na conscious siya at ang upper and lower extremities niya ay hindi naapektuhan. Comprehension is preserved but has trouble speaking fluently. Nagpasalamat din ang partner niyang si Kent Juan Resquit sa lahat ng dumalaw at nag-offer ng prayers sa mabilis na paggaling ni Boobay.

Allan nanghihingi pa ng dasal para kay Boobay

Nakausap din namin si Allan K sa set ng Superstar Duets at sinabi niyang napakasipag daw kasi ni Boobay. Si Boobay daw kasi ang artistang walang tinatanggihan, kahit for the love (walang talent fee) lang, basta inimbita siya at pwede niyang puntahan, tinatanggap niya. 

Katatapos lang din palang mag-celebrate ni Boobay ng 30th birthday niya last November 7. Humihingi pa rin sina Allan ng prayers for Boobay para tuluyan na itong gumaling at makabalik sa trabaho lalo na ngayong magpa-Pasko na.

Samantala, mami-miss ni Allan ang matatapos na nilang talent show na Superstar Duets dahil three weeks na lamang at grand finals na nila. First time lamang pala niyang mag-judge sa isang show. Yes, sa Eat Bulaga, nagda-judge siya pero sa segment lamang ng noontime show. Mami-miss din niya ang samahan kapwa judges ng show na sina Christian Bautista, Aicelle Santos at ng host nilang si Jennylyn Mercado pati na ang lahat ng walong talents na naglaban-laban sa show.

Napapanood ang Superstar Duets tuwing Saturday, pagkatapos ng Magpakailanman.

May gusto si Allan na tanghaling winner pero depende pa rin daw ito kung gaano kahusay ang performance at musicality nito sa gabi ng grand finals.

May special appearance si Allan K sa Enteng Kabisoto 10 and the Abangers na kasalukuyang ipinalalabas ngayon sa mahigit 200 cinemas nationwide

Gabby matanda pa rin sa tingin nina Sunshine at Ryza

Nagkatawanan sa grand presscon ng Ika-6 na Utos nang pagkatapos magsalita ang mga leading ladies ng matinee idol na si Gabby Concepcion, nakiusap siyang huwag na raw siyang tawaging “kuya” ni Sunshine Dizon, at huwag na rin siyang gamitan ng “po” at “opo” ni Ryza Cenon. 

Masaya raw siya na kasama niya ang dalawang mahuhusay na actress na sa full trailer pa lamang ay nagpakita na nang husay sa pagganap. Natuwa rin siya na muli silang nagkasama ni Direk Laurice Guillen na noon pang Viva Films time ay madalas na silang magkasama.

Ayon naman kay Direk Laurice, first time niyang gumawa ng ganung klase ng story. Simple raw pero the circumstances are different. Story daw ito ng isang babaeng mataba (Sunshine) pero nakiapid din sa ibang lalaki para siya makapaghiganti. At makikita ang transformation ni Sunshine mula sa matabang babae hanggang sa maging sexy at tinawag na Duquesa.

Magsisimula ng kanilang drama serye sa Monday, December 5, pagkatapos ng Eat Bulaga.  Tampok din sa serye sina Mike Tan, Rich Asuncion, Marco Alcaraz, Arianne Bautista at si Ms. Daria Ramirez.

 

vuukle comment

BOOBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with