^

Pang Movies

Heart todo ang pagluluksa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Malungkot ngayon si Heart Evangelista dahil pumanaw na ang kaibigan at guardian angel niyang si Senator Miriam Defensor-Santiago kahapon.

Bahagi rin ng maligayang buhay-pag-ibig ni Heart si Sen. Miriam. Siya kasi ang naging daan upang makilala ni Heart ang napangasawang si Sen. Chiz Escudero.

Naging sandalan din ni Heart ang senador nu’ng magkaroon siya ng problema sa kanyang career. Nawalan man ng isang matalik na kaibigan si Heart, hinding-hindi niya makakalimutan ang senadora dahil ibinigay sa kanya ang isang mapagmahal na asawa.

Magkasama ngayon sina Sen. Chiz at Heart sa entourage ni President Rody Duterte sa Vietnam. ‘Yun nga lang, may social media trolls na umatake sa kanila lalo na sa senador dahil hindi sila naka-fist bump sa isang groufie na trademark ng supporters ng pangulo.

Pelikula nina Alex at Joseph bumenta!

Jackpot sa takilya ang My Rebound Girl nina Alex Gonzaga at Joseph Marco. Masayang-masaya sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa opening gross nito last Wednesday kahit paulan-ulan.

Pero ayaw maglabas ni Mother ng figures. Much more, mag-padding sa kinita ng movie. Ayaw kasi ni Roselle ng sistemang pina-padding ang kinita ng movie nila.

Kuntento rin kasi si Mother sa pagkakagawa ng movie. Fresh na fresh ang konsepto at hindi tradisyunal ang istorya. Yes, love story rin ito pero makabago ang treatment kaya naman bentang-benta ito sa mga millennial.

First time ni Alex gumawa sa Regal. Box-office hit agad. Humanga rin kasi sa kanya si Mother na makapamilya at pinalaki ng magulang nang maganda.

Kung may second movie na si Joseph sa Regal na Pwera Usog, nangangamoy ng follow up movie si Alex sa Regal, huh!

Anyway, nakabalik na pala ang stars, staff ang crew ng Mano Po 7 na binagyo habang papunta sa Taipei. Safe and sound naman ang lahat at ilang days na lang ay tapos na ang principal photography ng pelikula na magiging entry sa Metro Manila Film Festival 2016.

Aktor pabulusok ang career, tinatrabaho ng dyowang TV executive!

May relasyon (o nagkaroon ng relasyon) ang isang TV executive sa isang aktor. Kaya naman kahit wala pang masyadong credentials sa mainstream TV ay agad nabiyayaan ng proyekto, huh!

Mura na kasi eh, may inspirasyon pa ang TV executive dahil sa aktor. So inaasahan pa ng showbiz observers na masusundan pa ng projects ang aktor.

Ang nagagawa nga naman ng kapirasong laman, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with