^

Pang Movies

Alden nagkaka-oras pa sa negosyo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ipinakita na noong Lunes sa Encantadia ang teaser ng eksena ni Alden Richards kaya nadoble ang excitement ng fans na nag-aabang sa pag-apir niya sa sikat na telefantasya ng GMA 7.

Bago at hindi luma ang role ni Alden sa Encantadia. Mula siya sa mundo ng Mulawin pero Lakan ang name niya. Mula nang mag-taping siya para sa Encantadia, lalong naging hectic ang schedule ni Alden dahil araw-araw pa rin siya na napapanood sa Eat Bulaga.

Dumidiretso si Alden sa set ng Encantadia pagkatapos ng Eat Bulaga at ‘yung libreng mga araw niya, naka-reserve para sa kanyang ibang commitments, pictorials, commercial shoots at out-of-town shows.

Sa kabila ng kanyang patung-patong na commitments, may panahon si Alden na bumisita sa Tagaytay restaurant na negosyo niya.

May mga kasosyo si Alden sa restaurant na dumami ang mga kliyente dahil nalaman nila na isa si Alden sa mga may-ari.

May mga kakilala ako na nagpunta at kumain sa restaurant ni Alden sa Tagaytay City noong isang araw.

Tuwang-tuwa sila dahil natiyempuhan nila doon si Alden na very generous daw sa photo op. Hindi sila maka-get over sa kanilang encounter with Alden dahil sobrang accommodating nito.

Aiza kinontra ni Karen Davila

Malulungkot si Aiza Seguerra kapag nalaman nito na marami ang tutol na ituloy ang eleksyon ng Sangguniang Kabataan (SK) sa October. Si Aiza ang newly-appointed chairperson ng National Youth Commission at isa siya sa mga nagsusulong na matuloy ang eleksyon para magkaroon ng boses ang mga kabataan.

Sa kasamaang-palad, hindi lamang ang halalan para sa SK ang ipinapahinto. May mga suggestion na buwagin na ang SK dahil isa umano ito sa sanhi ng corruption sa mga kabataan na nakakatanggap ng datung mula sa lokal na pamahalaan.

Bukod sa datung, may libreng gad­gets at scholarship na ibinibigay sa SK at ayon ito kay Karen Davila na pabor na buwagin ang SK. Ano kaya ang masasabi ni Aiza sa mga alegasyon laban sa SK?

Jerald pabongga ang career

Made na talaga ang comedian na si Jerald Napoles dahil hindi siya nawawalan ng mga raket.

Mainstay si Jerald ng Sunday PinaSaya at isa siya sa mga celebrity contestant ng Superstar Duets ng GMA 7.

Nakakapaglagare rin si Jerald sa mga major film outfit. Kasama siya sa cast ng Camp Sawi, ang blockbuster movie ng Viva Films at starring siya sa Once in A Lifetime ng Regal Entertainment Inc.

Dumayo pa si Jerald sa New Zealand dahil dito kinunan ang mga eksena nila ni Piolo Pascual. Sa Camp Sawi, si Jerald ang co-worker ni Sam Milby sa rehabilitation center para sa mga sawi sa pag-ibig.

Take note, si Piolo ang original choice sa role ng camp master pero may conflict sa kanyang schedule kaya napasakamay ni Sam ang project.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with