^

Pang Movies

Buhay ng mga magsasaka pinag-iinteresan na rin nina Dingdong at Carla

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakatuwa naman na marami na palang artistang nakakaalam ng tungkol sa ToFarm Film Festival. At ilan sa kanila ay gustong mag-participate sa susunod na 2017 ToFarm Film Festival.

Ilan sa mga ito ay sina Ding­dong Dantes at Carla Abellana na unang nag-host ng awards night nito last July 19, 2016. Maganda raw ito dahil tungkol sa pagsasaka at sa mga magsasaka. Ikinatuwa ito ni Direk Maryo J. delos Reyes who is behind the festival dahil naidirek na niya sina Dingdong at Carla kaya hindi kataka-taka kung sa anim na scripts na isa-submit para sa festival ay makagawa sila nito. Ang tema ng susunod na festival ay Planting The Seed of Change.

Isa pa si Dennis Trillo na pagkatapos ng romantic-comedy series niyang Juan Happy Love Story, gusto muna niyang mag-concentrate sa paggawa ng movie at mu­ling makagawa ng isang indie film ganoon din ang co-actor niyang si Joross Gamboa.

Sa launch ng 2017 ToFarm Film Festival, in-announce na nina Direk Maryo at Dr. Milagros How, Executive Vice President ng Universal Harvester Inc. ng festival, ang mga schedule para makasali ang mga new scriptwri­ter at mga director na gustong gumawa ng pelikula.

Deadline of submission ng script sa November 18. Ang Screening Committee ang mag-a-announce ng six finalists sa January 20, 2017 at kailangang matapos ang pelikula for submission sa June 2.  Grand opening ng festival sa July 12 na magtatapos sa isang grand awards night sa July 18.  Lahat ng mga mananalo sa awards night ay tatanggap ng cash prizes.  May additional category sila, ang Best Child Performer.

Alden lagare na naman!

Balik na naman sa kanyang busy schedules si Alden Richards. Sa nakaraang linggo na nakabakasyon ang ka-love team na si Maine Mendoza, siya ang kasama nina Jose Manalo at Wally Ba­yola sa barangay sa sugod-bahay nila sa Juan For All All For Juan segment ng Eat Bulaga at segue na iyon sa kalyeserye na doon na rin nila ginagawa sa barangay. Bukod kasi sa daily EB, binigyan din si Alden ng isang character sa epic na Encantadia bilang si Lakan mula sa lahi ng Mulawin.

Sa first taping day ay na-excite siya dahil hindi niya in-expect na makakasama siya rito, fight scene agad ang ginawa niya, mabuti na raw lamang at napaghandaan na rin niya iyon dahil nakapag-workout muna siya.

Hindi pa sinasabi ni Direk Mark Reyes kung kailan lalabas si Lakan at kung hanggang kailan siya mapapanood, ayon sa kanya, depende raw iyon sa maibibigay na schedule ni Alden.

Tulad ngayong Sunday, pagkatapos ng kanilang comedy show na Sunday PinaSaya (SPS) ay may flight si Alden papuntang Cebu para mag-guest sa concert ni Stephanie sa Waterfront Hotel. After his part balik na rin siya ng Manila, dahil may Eat Bulaga na siya ng Monday.

Magsusunud-sunod na rin ang shows abroad ni Alden, at for the first time, pupunta siya ng London for a show on October 2.  May shows din siya sa New York City at sa Canada by November.  Paano pa kaya ang soap at movie nila ni Maine Mendoza na ipinangako ng GMA?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with