^

Pang Movies

Alden nagpaalam kay Maine na makikipag-date sa iba

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagsimula nang mag-taping si Alden Richards ng special guest role niya as Lakan sa epic serye na Encantadia. Sa interview sa kanya sa 24 Oras, hindi niya sinabi kung sino si Lakan kaya kinumusta na lamang sa kanya ang ka-love team na si Maine Mendoza.

Miss na miss na raw niya si Maine dahil nasanay na siyang nakikita ito araw-araw pero sa weekend pa raw ang balik nito sa Pilipinas mula sa Los Angeles, California.

Masaya siya for Maine dahil natupad na ang wish nitong mapanood nang personal mag-concert ang paborito nitong British rock band na Coldplay. Kahapon nga sa kalye serye ng Eat Bulaga ipinakita ng mga lola’s ang ipinadalang video ni Maine na umiiyak sa tuwa, habang nanonood ng concert, kasama ang sister niyang si Coleen. Tumawag si Maine at nakausap si Alden na sayang daw na hindi siya nakasama nito, pero next time, promise ni Alden, magkasama na silang manonood ng concert.

Nagpaalam si Alden kay Maine kung pwede siyang makipag-date, pumayag kaya si Maine?  At sino naman ang idi-date ni Alden?

Edu na-engganyo sa kuwento ng Someone…

Nagbabalik Kapuso si Edu Manzano sa bagong primetime drama series na Someone To Watch Over Me.

Huli siyang napanood sa teleseryeng Bridges of Love at pagkatapos nagpahinga na muna siya at sumabak sa pagkandidato bilang Senador noong nakaraang national elections.

Inamin ni Edu na ang magandang story ng Someone To Watch Over Me at ang role na ibinigay sa kanya ang dahilan kung bakit niya muling gustong gumawa ng teleserye. Inspirational daw ang story at makapagbibigay sila ng aral tungkol sa Alzheimer’s disease. Gagampanan niya ang role ng supportive father kay TJ (Tom Rodriguez) na may early on-set Alzheimer’s disease.

Nang nagti-taping na raw sila, nakita niya ang dedication sa work nina Lovi Poe, Tom at Max Collins na hindi bumibitaw sa kanilang character. Ang Someone To Watch Over Me ay sa ilalim ng direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Mapapanood na ang drama series simula sa Monday, September 5, after ng Koreanovelang Descendants of the Sun.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with