^

Pang Movies

Heart simple-simplehan sa opening ng Congress at SONA

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Elegante na namang rumampa si Heart Evangelista-Escudero sa Batasang Pambasa kahapon upang dumalo sa opening ng 17th Congress. Natural, kasama ni Heart ang asawang Senador Chiz Escudero.

Viral agad ang picture ni Heart na suot ang Filipiniana dress at hindi gown. Gawa ‘yon ni @ivanseron at siya ang nagdisensyo ng damit with matching clutch bag na dinisenyuhan rin niya. May basbas ng staff ng Juan Happy Love Story ang pagdalo ng Kapuso actress sa SONA.

Meron din silang kuhang picture ng asawang si Sen. Chiz na binigyan niya ng goodluck ngayong balik siya sa Senado.

Nagpalit naman ng all-white off the rack ensemble si Heart pagdating ng hapon para naman sa State of the Nation Address ni Pangulong Rody Duterte.

Simpleng-simple rin ang suot ni Heart pero eleganteng-elegante.

Sarah maingay ang birthday kahit nakabakasyon

Tahimik lang si Sarah Ge­ro­nimo sa 28th birthday niya kahapon. Mga kaibigan at fan niya ang nagpakalat ng pagbati sa kanya sa social media.

Naglabas din ng pagbati ng manage­ment niyang Viva Artists Agency. “Wishing you happiness & good health! Stay happy! Much love from you VAA family.”

Nagpahatid din ng mensahe ang fans nila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli. May post pa ng pictures nilang dalawa na na-capture ang lam­bi­ngan nila.

Tahimik man ang mun­do ng Pop Star Royalty pagdating sa career, nasa puso pa rin siya ng mga taong nagmamahal mula noon hanggang ngayon.

Piolo hindi pinatos ang malisya sa kanila ni Iñigo!

Sino ba ang nagpakalat kasi ng picture ng mag-amang Piolo at Iñigo Pascual sa social media? Niratrat tuloy si Piolo ng mga malis­yoso kaya agad siyang ipinagtanggol ng ibang press.

Binigyang-katwiran ito ni Papa P sa interview sa PEP. Dalawang buwan daw kasi silang hindi nagkitang mag-ama. Diin pa niya, “Mainggit kayo!”

Tama naman ang stand ni Piolo na huwag nang patulan pa ang mga tsismoso sa showbiz. Sa tagal niya ba naman sa industriya, lahat nang kontrobersya ay napagdaanan na niya.

Stressful nga naman ang pumatol sa ganitong isyu dahil hindi naman tumatanggap ng katwiran ang mga malisyoso, ha­ters at bashers, huh! Hindi na sila naka-move on, huh!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with