^

Pang Movies

Amy, Jonalyn at iba pa, nailigtas sa suicide bombing

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bandang hapon na iyon, nang marinig namin ang isang radio interview ni Amy Perez mula sa isang hotel sa Turkey kung saan sila nagpahinga sandali at naghintay kung ano ang pasabi para makasakay sila ng eroplano pabalik sa Maynila.

Galing sila sa Madrid dahil sa isang show roon, at talagang pabalik na ng Maynila nang ang eroplanong kanilang sinasakyan ay hindi makababa sa Istanbul kung saan mayroon silang stop over dahil sa nangyari ngang bombahan.

Sa halip, inilapag ang eroplano nila sa ibang airport at ilang oras din daw silang nanatili lamang sa loob ng eroplano dahil “mas safe raw doon”.

Kahit nasa hotel na, halata mong hindi mapalagay si Amy at sinasabing naghahalili sila sa pagtulog ng kanyang asawang si Carlo Castillo.

Sinabi niyang nang bumaba sila ng eroplano, mabuti ay kasama niya si Carlo dahil walang nag-asikaso sa airport at kailangang sila ang kumuha ng sarili nilang baggage. Eh kung wala nga naman ang kanyang asawa, mahihirapan silang kumuha ng lahat ng mga dala nila. Mabigat din naman ang mga iyon.

Kasama raw nila si Jonalyn Viray na nag-perform din sa Madrid.

Bukod doon, dahil sila ang may access sa tulong ng ilan nilang kasamahan, kinuha rin nila ang pangalan ng iba pang mga Pilipino na nakasabay nila sa eroplano para ipadala sa embassy natin sa Turkey.

Mayroon pang isang may kaanak din sa Turkey na kumausap pa kay Amy para alamin sa embassy kung may balita tungkol sa kanilang kaanak. Lahat naman kasi worried dahil mara­ming namatay sa pagbomba sa airport ng Istanbul, at naka-red alert naman sila sa Turkey para sa mga posible pang mangyari.

Ang nangyaring iyan ay isa lamang sa mga risk na maaaring maranasan ng mga artista na­ting nagpe-perform sa abroad. Hindi ka nakasisiguro kung ano ang mangyayari sa lakad ninyo.

Pelikulang tungkol kay Kristo pumatok!

Inabot na naman kami ng malakas na ulan habang nasa isang mall na malapit sa amin. Napansin namin na palabas pala ang isang religious film. Tungkol iyon kay Kristo, pero isang fiction lang na nagtatanong din kung ano nga kaya ang kanyang naging buhay noong siya ay pitong taong gulang lamang.

Sa Pilipinas, naroroon din ang debosyon sa batang si Hesus, kaya nga sikat na sikat dito sa atin ang debosyon ng Santo Niño, na kagaya rin ng pelikulang iyon ay isang “fiction” lamang dahil alam naman nating nagkaedad din naman ang Panginoong Hesukristo.

Iilan lang kaming nanood ng pelikula sa malaking sinehang iyon. Siguro nga hindi nila inaasahang iyon ay magiging isang malaking hit, kasi may kahati pa siya sa isang sinehan. Sa mga religious film naman ang laging hinahanap ng mga tao ay ang crucifixion scene, at walang ganoon sa pelikula.

Maganda ang pelikuka kahit fiction.

Keempee masama ang loob sa pagkakalaglag sa Bulaga

Hindi man niya sinabi nang tuwiran, halatang may kaunting sama ng loob si Keempee de Leon dahil apat na buwan na raw siyang tinanggal sa Eat Bulaga, nang wala namang explanation kung bakit, at ni walang pormal na memo.

Basta sinabi lang na wala na siya sa show. Ta­lented naman si Keempee, at kung iisipin, marami pa siyang magagawa sa programa, pero aywan kung bakit nga basta na lang siya inalis. Siguro naman dapat din silang magpaliwanag kung bakit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with