^

Pang Movies

Richard halos tumira na sa gym!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maraming mga artistang gustong gumawa ng Panday. Isipin ninyo, nagawa ‘yan ni FPJ nang tatlong beses. Ginawa na rin iyan nina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Iyan ang isa sa mga unang Pinoy super heroes na inilipat din sa anime. Ang tagal na sinubaybayan ng masa ang kuwento ng Panday sa komiks. Kaya nga sinasabi nila, sino man ang gumawa ng Panday ay magiging malaking star.

Pero hindi naman payag ang author ng Panday na kung sinu-sinong artista lamang ang gagawa ng kanyang character. Kaya nga sinasabi nila, pinili talaga ang prime time king na si Richard Gutierrez para siyang maging bagong Panday sa isang TV series sa TV5.

“Maraming mga artistang sinabi sa amin eh, pero ang choice talaga namin si Richard. Kasi kung titingnan mo naman eh, sa tayo pa lang lalaking-lalaki na. Maganda ang katawan ngayon ni Richard dahil kung mag-gym siya dahil lang sa Panday hindi lang araw-araw, twice a day niya ginagawa. Noong sabihin namin kailangan magbawas ng timbang, mabilis niyang nagawa.

Sa nakita ni Carlo (J. Caparas), talagang puwede na si Richard sa action.

Pero ang pinaka-importante, mahusay siyang umarte, at saka malakas iyan sa tao. Sabi nila kahit na sino ay puwede maging Panday, hindi totoo iyan. Ang dapat na Panday iyong may calibre din ni FPJ.

Ang nakita naming advantage pa sa ngayon, noong gawin ni FPJ ang Panday, sabihin na nating may edad na rin siya. Eh itong si Richard talagang bata pa. Ibig sabihin mas maraming magagawang action.

Kaya nga nagkaroon nang kaunting modification sa kuwento eh, para mas madagdagan ng action at mas bumagay talaga sa personality ni Richard.

“Kung kami ang tatanungin, talagang si Richard lang ang Panday,” sabi ng producer na si Donna Villa, na asawa ng Panday creator na si Carlo Caparas.

Ang isa pang napansin namin noong press conference ng Panday, ipinakilala nila si Richard bilang “ultimate prime time king.” Totoo naman iyon. Walang ibang leading man sa industriyang ito na nakahawak ng ratings sa prime time nang labing isang taon. Tuluy-tuloy na serye ang ginawa niya noong araw, dahil ayaw bumitiw ang mga advertiser. Bakit naman sila bibitiw eh ang lakas talaga ng batak ni Richard sa audience. Ang problema nga lang, dumating din iyong panahong napagod na rin naman si Richard at naisip niyang dapat naman magpahinga muna siya.

Si Richard din ang nagsimula ng action fantasy sa telebisyon. Kung natatandaan ninyo, siya ang bida sa Mulawin noong araw, at iyan nga ang nagsimula ng kanyang pagiging prime time king. Iyong ibang tinatawag na prime time king, nag-ambisyon lang iyon pero papaano nilang maangkin ang title eh hindi nga nila napantayan ang labing isang taong pamamayani ni Richard.

Pero sa nakita namin noong presscon ng Panday, mas iba ang dating ni Richard ngayon. Kahit sabihin ninyong trenta na iyan, at may anak na, sa hitsura niya ngayon walang dudang kikiligin pa rin ang mga babaing audience.

Ilalabas ng TV5 sa prime time ang Panday, at ang pre-programming niya ay PBA games. Kung iisipin mo, papaanong hindi panalo iyan?

Ang tingin namin, itong pagbabalik na ito ni Richard Gutierrez sa primetime, magiging matindi talaga ang epekto sa local television. Palagay namin, iyan ang magbabalik sa audience na nagsasawa na rin naman sa kung anu-ano na lamang drama sa TV. Iyan ang totoo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with