^

Pang Movies

Sarah balabagan emosyonal sa pagpanaw ng ama-amahan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa pagkamatay ni former Ambassador to the UAE Roy Señeres, na-interview ni Kara David sa GMA News TV si Sarah Balabagan na naka-base na pala sa San Francisco with her husband. Isa raw siyang housewife pero madalas siyang maimbitahang guest speaker sa events ng ating mga OFWs tungkol sa mga kaso ng human trafficking. Taong 1994 pala nang tulungan siya ni Amb. Señeres na manalo ng kaso dahil sa pagpatay niya sa amo niyang pinagtangkaan siyang halayin. Napaiyak si Sarah habang ini-interview dahil itinuring daw siyang parang anak at isa na sa pamilya niya ni Amb. Señeres.

Kris mas minahal sa pagkakaroon ng diperensya

Thankful si Kris Bernal sa GMA 7 sa pagbibigay sa kanya ng role ni Tinay, isang 27-year-old na may pag-iisip ng isang 7-year-old dahil sa intellectual disability (ID), sa family series na Little Nanay. Mahirap man daw ang role, hindi niya ito tinanggihan dahil gusto naman niyang ma-challenge ang kanyang kakayahan. Isa pa, suportado naman siya nina Nora Aunor at Bembol Roco, na most of the time ay kaeksena niya.

Feel din ni Kris na minahal siya ng mga taong sumusubaybay sa kanilang family serye gabi-gabi.

Next month ay matatapos na ang Little Nanay, pero marami pa raw mangyayari sa story.

Icot gustong pa-endorse kay Jericho

Bago kay former Secretary of Energy Carlos Jericho “Icot” Petilla, kasama ang wife niyang si Anne at limang anak, ang pagharap sa entertainment press. Pinuri niya na mababait daw pala ang entertainment press na kahit direct to the point ang mga tanong ay hindi nakakatakot sagutin.

Kakandidato siyang isa sa mga senador ng Mar-Leni (Mar Roxas-Leni Robredo) party.

Wala pa raw siyang iniisip na puwedeng mag-endorse sa kanya. Of course, kung puwede raw ay si Jericho Rosales na paborito niyang actor.

Nakakatuwa na alam pala ni former Sec. Petilla na may problema ang ating movie industry. Family bonding nila ang panonood ng sine na kung ano ang gustong panoorin ng kanilang mga anak, ay siya nilang pinanonood Tagalog man o English.

Napanood nga nila ang #WalangForever nina Jericho at Jennylyn Mercado. Hindi raw natatapos sa pagpanood ang bonding nila dahil dini-discuss nila kung ano ang kabuuan ng pelikula. Maganda ang boses ng nag-aasam na kandidato sa pagka-Senador at nagparinig siya ng awiting Kahit Isang Saglit.

Kaklase pala niya si Senator Jing­goy Estrada sa Ateneo University at naipanalo niya itong senador sa lugar nila sa Leyte noon at tuwang-tuwa raw ang mga kababayan niya kapag nagsasalita si Sen. Jing­goy na mala-Joseph Estrada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with