^

Pang Movies

Pakikipagtikiman ni Kiray kina Derek at Kean, walang kalaswaan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Puring-puri ng mga entertainment press si Derek Ramsay sa presscon ng Love Is Blind na hindi nagri-react, kahit ibinubuking ni Kiray Celis ang mga ginawa nila sa eksena, lalo na ang sinabi nitong torrid kissing scenes nila ni Derek, na akalang ang kahalikan niya ay ang dating girlfriend at katambal na si Solenn Heussaff.  Sa story kasi, in love si Kiray at gusto niyang siya ang mahalin ni Derek kaya ginamitan niya ng love potion kaya ang tingin sa kanya ni Derek ay siya ang hot and sexy chick na si Solenn.

Trailer pa lamang ng movie ay talagang hahagalpak ka na ng tawa lalo na kapag nagta-transform na si Kiray into Solenn.  Pero hindi lamang kay Derek nakipaghalikan si Kiray, kay Kean Cipriano rin na ang description naman niya ay very passive naman sa halikan. 

Wala namang dapat ikabahala ang mga manonood dahil ginawa ni Direk Jason Paul Laxaman na comedy ang mga eksenang ito ni Kiray kina Derek at Kean.  Makaka-inspire din ang story sa mga nawawalan na ng hope na magkaroon ng love life to believe na no matter how blind, all is still fair in life and love.

Mamayang gabi na ang premiere showing ng Love is Blind sa SM Megamall.  At sa Saturday, nasa Starmall sa Talisay, Cebu sina Kiray at Kean.  At sa Sunday, nasa Market Market ang buong cast at 4:00 p.m. at sa Starmall, Taguig City at 7:00 p.m. 

Produced ito ng Regal Entertainment, Inc. nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde, at mapapanood na ito simula sa Wednesday, February 10 nationwide.

Alden hindi na nakapagpigil, tinuka na si Maine

Dumating sa Broadway studio ng Eat Bulaga sina Alden Richards at Maine Mendoza kahapon.  So si Maine ang first passenger ni Alden sa kakukuha pa lamang niyang black Grand Starex papunta sa studio. Nagbigay din ang kalyeserye na huwag palungkutin ang celebration nang hindi muna nila ituloy ang eksena sa love story ng star-crossed lovers na sina Anselmo at Nidora.

Pinasaya nang husto nina Alden at Maine ang AlDub Nation sa loob ng Broadway studio at sa mga sumusubaybay sa Eat Bulaga nang sinamahan nila muli ang mga nagmamahal sa kanila sa pagsi-celebrate nila ng kanilang 28th weeksary kahapon. 

Nagpalitan muna sila ng hugot lines na ikinakilig lalo ng fans.  Inaya ni Alden si Maine na umakyat sila sa itaas ng studio at dumaan sila sa gitna ng audience, kaya nahawakan at nahalikan sila ng fans siyempre, alalay ni Alden si Maine.  Sa itaas ay nandoon ang mga sorpresang bouquet of different flowers ni Alden kay Maine.

Pumili rin ng three pairs sa studio ang dalawa na binigyan nila ng advanced Valentine gifts.  Itinuloy nina Alden at Maine ang celebration sa harap ng mga host na sina Allan K, Sen. Tito Sotto at Joey de Leon.  Kaya naman biniro nila si Maine na siya naman ang humalik kay Alden. 

Hindi naman tumanggi si Lola Nidora (Wally Bayola) pero nang hahalik na sana si Maine kay Alden, biglang bumisina kaya naka-freeze sila.  Sabi ni Allan i-close-up daw ang dalawa.  Ang tagal nilang naka-freeze habang nagsasalita si Gingging (Jose Manalo) para ikuwento ang kabuuan ng mga nangyari.  Pero hindi nakaligtas si Maine nang after magsalita ni Gingging ay ninakawan ni Alden ng halik sa cheek si Maine kaya naghabulan sila sa studio sa kasiyahan ng audience at ng tatlong lolas.

 

vuukle comment

ALDEN

ALIGN

ANG

DEREK

KIRAY

LEFT

MAINE

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with