^

Pang Movies

Baby Shower ni Shamcey inulan ng beauty queens

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malapit na palang manganak ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Shamcey Supsup-Lee.

Ang mga beauty queen friends ni Shamcey ang nag-organize na mabigyan ito ng baby shower noong nakaraang January 13 sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan.

Present sa baby shower ni Shamcey sina Miss Earth 2015 Angelia Ong; Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj; Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa; Bb. Pilipinas Supranational 2014 Yvethe Santiago; Bb. Pilipinas Tourism 2011 Isabella Manjon and Bb. Pilipinas International 2011 Dianne Necio.

Nandoon din ang mister ni Shamcey na si Lloyd Lee at ang mentor niyang si Jonas Gaffud kasama ang Aces & Queens Team.

Baby girl ang isisilang ni Shamcey at may name na ito na Nyke.

Anytime this month ay puwede nang manganak si Shamcey.

Marami ang nagsasabi na maganda ang magiging baby nina Shamcey at Lloyd. Baka maging future beauty queen din ito tulad ng kanyang ina na nag-3rd runner-up sa 2011 Miss Universe.

Sheena pag-akyat sa bundok at pagsakay sa ibabaw ng jeep ang birthday gift sa sarili

Iba ang naging birthday celebration ng Kapuso actress na si Sheena Halili noong nakaraang January 16.

Inakyat ni Sheena ang Mt. Pulag sa Benguet kasama ang kanyang kapatid at ilang mga kaibigan.

Na-experience pa ni Sheena ang sumakay sa ibabaw ng jeep habang papunta sila sa Ambuklao Dam.

Hindi makakalimutan ni Sheena ang birthday niyang ito dahil nakipag-commune siya with nature at nakita niya ang natatagong ganda ng Pilipinas na hindi niya nakikita sa ibang bansa.

At ang birthday wish ni Sheena ay sana magkaroon na siya ng lovelife.

Matagal na raw walang boylet si Sheena at pakiramdam niya na ngayong 2016 niya mahahanap ang lalaki na karapat-dapat niyang mahalin at pag-ukulan ng panahon.

Nagpapasalamat naman si Sheena dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Destiny Rose kung saan gumaganap siya bilang si April Rose.

Cast ng Hollywood series na Friends may reunion

Matutuloy na rin ang matagal nang inaabangan na reunion ng cast of Friends pagkatapos ng 12 years.

Nagtapos ang top-rating comedy series noong 2004 pagkatapos ng sampung season nito sa telebisyon.

Magsasama-sama nga ulit ang buong cast na binubuo nina Jennifer Aniston, Courtney Cox, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc, Matthew Perry, at David Schwimmer dahil sa gagawing tribute sa TV comedy director na si James Burrows sa February 21, 2016.

Makakasama ng cast ng Friends ang iba pang cast ng co­medies na idinirek ng 75-year-old TV director. Kasama nga sa tribute ang cast ng Cheers, Frasier, at Will & Grace.

 “I’m hoping that all six of them will be in the same room at the same time, but I’m not sure of that,” sey pa ng NBC Entertainment Chairman Bob Greenblatt.

 “I’m not sure if we can logistically pull that off. But I think it’s safe to say that all six of them will be there.”

Friends premiered in 1994 at pinasikat nito ang buong cast na nagsimula bilang mga baguhan sa Hollywood.

Friends became one of NBC’s most-watched shows and has appeared on lists of the greatest TV shows in history.

vuukle comment

ACIRC

AMBUKLAO DAM

ANG

ANGELIA ONG

APRIL ROSE

BUT I

CAST

COURTNEY COX

MISS UNIVERSE

SHAMCEY

SHEENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with