^

Pang Movies

Piolo at Iñigo kinuyog sa burol ni Kuya Germs

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Wish ni Shalala na totoo ang sinasabing hindi tatanggalin ang show nilang  Walang Tulugan ni Master Showman ng GMA 7, hindi lang bilang pagbibigay pagpapahalaga ng network sa legacy na naiwan ni German Moreno, kundi naaawa ang TV host/comedian sa mga inaalagaang talents ni Kuya Germs.

Ayon pa kay Shalala, tuloy ang trabaho ng cast at crew ng Walang Tulugan pagkalibing ni Kuya Germs sa Huwebes. Si John Nite ang mangunguna kasama ang ibang hosts na magsi-celebrate ng 20th anniversary sa second week ng February.

Si Kuya Germs ang nagbansag ng Shalala sa komedyante na si Carmelito Reyes sa tunay na buhay na mas kilalang Tolits bilang palayaw nito.   

Ayaw pa ni Shalala nung una, dahil ginagawa siyang babae ng Master Showman dahil boses macho ang komedyante. Pero hindi nagtagal ay na-enjoy niya ang pagiging Shalala at doon siya mabilis na nakilala.  

Dumating sa puntong nagtampo si Kuya Germs kay Shalala dahil umalis ito sa Walang Tulugan at lumipat sa TV5. Pero wala siyang narinig na kahit na ano kay Kuya Germs nung puntahan niya ito sa 50th anniversary nito sa showbiz sa Resort World.

Agad siyang tinawag ni Kuya Germs at pinaupo sa tabi niya at agad-agad siyang pinabalik sa Walang Tulugan. Si Shalala rin ang isa sa laging tinatawag ni Kuya Germs sa kanyang tabi sa mga huntahan dahil kahit sa likod o harap ng kamera ay tuloy ang kontrahan at asaran nila.

Mami-miss ni Shalala ang away at bating kulitan nila ng Master Showman sa radio man o TV show. Kahit na binabasa na nila ang spiel ay pareho nilang hindi ma-perfect ang pagkakasunod ng script, kaya pati ang director at crew ay natatawa sa pinagagawa ng dalawa.

Hindi rin makakalimutan ni Shalala ang bilin sa kanya ng Master Showman na magtipid at laging makisama sa lahat ng mga katrabaho mula sa malalaking artista hanggang sa maliliit na empleyado.

Samantala, lahat din ay nagulat kay Kuya Noli Cruz ang dakilang PA ni Kuya Germs dahil bigla itong namayat at bumagsak ang katawan.

Matagal na nagkasakit si Kuya Noli kaya hindi na sila nagka-usap ni Kuya Germs bago ito namaalam.

Kuwento ni Kuya Noli, papunta siya nung birthday ni Kuya Germs last October 4, 2015 sa Broadway, pero sa tindi ng sakit niya sa tagiliran ay isinugod na siya sa ospital.

Ayon kay Kuya Noli, nagpadala si Kuya Germs ng pampagamot ng P50,000. Samantalang si Jake Vargas naman nag-asikaso sa ibang gastusin niya sa hospital. Nagkasakit si Kuya Noli sa kidney at mayroon itong iniindang prostate. Halos patak patak lang daw siya kung umihi.

Pero mas guminhawa raw ang pakiramdam niya mula nang ginawa niyang tubig ang pagpapakulo ng dahon ng sambong, tanglad, guyabano, at luyang dilaw. Pagkainom daw niya ay halos isang litro ng bote ang naihi niya. Pati ang mga kidney stone ay nailabas din niya. Bale ito na ang ginagawa niyang tubig at inilalagay lang niya sa ref at balik na agad sa normal ang kanyang pag-ihi.

Kailangan pa niyang magpagamot sa kanyang prostate na kapag hindi naagapan ay mauuwi raw sa cancer. Hindi pa siya makabalik dahil wala siyang pera. Nahihiya siyang manghingi ng tulong kahit kay Jake na ang bilin sa kanya ay mag-text o tumawag lang sa kanya kapag kailangan. Pero dahil sa laki ng halagang kailangan ay nagdalawang isip siyang lumapit kay Jake, lalo’t iniisip niya si Kuya Germs.

Bale si Kuya Noli ang isa sa nag-alaga kay Kuya Germs nang una itong ma-stroke last year.

Samantala, biglang nawala sa pila ang fans nung Martes ng gabi nang dumating si Piolo Pascual sa wake ni Kuya Germs at pinilit itong makipag-selfie sa kanila. Matagal na nagmuni-muni si Piolo sa harap ng kabaong ni Kuya Germs na nirespeto naman ng lahat.

Nagsiksikan na ang lahat sa labas ng wake nang magpa-interview na si Papa P kasama ang respetadong si Direk Johnny Manahan na nakausap ko sandali.

Hindi raw makalilimutan ni Direk Johnny ang kabutihan ni Kuya Germs kaya tuwing tatawag ito sa kanya ay ginagawa niya ang best para mapagbigyan ang request ng Master Showman. 

Pinagkaguluhan din si Iñigo Pascual sa gitna ng crowd na hindi nagtagal dahil kinukuyog na sila ng tao kaya diretso agad sila sa sasakyan pauwi.

Dumating naman last Monday si Billy Crawford kasama ang nobyang si Coleen Garcia, Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, Barbie Forteza, Kris Bernal, Janice de Belen, Cocoy Laurel, at marami pang iba.

vuukle comment

ANG

GERMS

HINDI

KUYA

KUYA GERMS

KUYA NOLI

MASTER SHOWMAN

NIYA

PERO

SHALALA

WALANG TULUGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with