^

Pang Movies

Haunted Mansion nanggulat sa takilya

Jun Nardo - Pang-masa

Nanggulat talaga sa takilya nu’ng Pasko ang Regal entry na Haunted Mansion, huh! Humamig ito ng more than P10M at nag-landing  sa third place among the eight entries!

Unang salang sa big screen sa HM nina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce. Wala pa silang track record sa box-office kaya suntok sa buwan ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde nang gawin silang bida sa movie. Unang salto na nga, mabibigat pang box-office giants ang binangga nila, huh!

Pero naipasa nina Janella, Marlo at Jerome ang matinding pagsubok. Patunay lang na basta maganda ang pelikula, baguhan man o hindi ang mga bida, dudumugin pa rin ng manonood!

Siyempre, gustung-gusto ng mga tao ang character ni Janella na lumalaban! Nadama nila ang isang heroine sa katauhan niya nang labanan ang impakto na si Iza Calzado! Kaya naman palakpakan talaga ang manonood nang matapos ang eksenang ‘yon ni Janella laban kay Iza, huh!

Ang isa pang milagrong ibinigay sa HM ay ang ilang theaters lang dito sa Metro Manila. Iilan lang ang nagbigay ng sinehan sa probinsiya. Ayon kay Mother, ang mga theaters lang sa Metro Manila ang pinara-raffle sa mga producer. ‘Yun sinehan sa probinsiya, ‘yung may-ari ng sinehan ang namimili ng entry na gusto nilang ipalabas.

So naiwan ang HM sa pelikulang pinili sa cinemas sa probinsiya komo nga wala pang box-office power ang tatlong bida, huh! Pero nang pumalo ito sa takilya nu’ng opening day, hayun at nagkukumahog ang ilang may-ari na ipinalabas sa kanilang sinehan ang Regal horror movie!

Ang isa pang bawal ngayong MMFF ay ang maglabas ng figures ng kita sa bawat araw ng entries.  So palihim lang ang resultang naglalabasan sa social media.

Pero first time naming narinig ang ticket swapping, huh! Nag-viral nga ang isang post ng netizen tungkol sa mga utos na huwag magbenta ng tickets sa My Bebe Love. Kinumpirma rin kasi ito ng isa sa producers ng movie at ipinost ni direk Joey Reyes sa social media accounts niya.

Ngayong gabi gaganapin ang Gabi ng Parangal sa Kia Theater sa QC. Puwedeng magbago ang mga puwesto ng entries depende kung aling pelikula ang tatanghaling Best Picture pati na best actor at best actress!

vuukle comment

ANG

BEST PICTURE

HAUNTED MANSION

IZA CALZADO

JANELLA

JANELLA SALVADOR

JEROME PONCE

JOEY REYES

KIA THEATER

METRO MANILA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with