^

Pang Movies

Sharon magiging abala na sa kampanya, fans dismayado na sa kanyang career

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakatanggap kami ng isang napakalungkot na e-mail mula sa isang nagpakilalang fan ng megastar na si Sharon Cuneta. Hindi niya ikinaila na dismayado siya dahil napakatagal ng sinasabing mga movie at television projects ni Sharon.

Akala raw nila ay tuluy-tuloy na iyon pero hanggang ngayon nga ay wala naman maliban sa pagi­ging judge ng isang show.

Ngayon mas lalo na raw silang nawalan ng pag-asa na may magagawang project si Sharon matapos na mai-announce na kakandidato ang asawa na si Kiko Pangilinan para senador.

Tiyak nga naman kasi na magiging busy na naman ang megastar sa pagkakampanya para sa kanyang mister, at matatabi na naman ang kanyang showbiz career.

Sa parte naman niya, hindi inililihim ng megastar na priority niya ang kanyang pamilya. In fact, noon pa naman niya sinasabi na pagdating ng panahon na may pamilya na siya, maaari na niyang talikuran ang showbusiness para maging full time wife and mother. Mabuti nga hindi nangyari iyon. Kahit na sabihin ngang minsan na niyang tinalikuran ang kanyang career nang magdesisyon siyang samahan ang kanyang mister na nag-aral noon sa abroad, nagbalik pa rin siya. Ngayon aktibo pa rin naman siya.

Pero hindi nga siguro natin maikakaila na ang isang malakas na puwersa ng kanyang mister ay ang kanyang popularidad, at imposible namang hindi siya tumulong sa kampanya. In fact, sinasabi nga ng marami na si Sharon naman talaga ang alas ni Kiko Pangilinan sa pulitika.

At ngayon nga, kahit na sabihing kabilang iyon sa partido ng administrasyon, sinasabi nilang uphill ang takbo ng kanilang kampanya talaga. Ilan lang kasi silang talagang miyembro ng kanilang partido sa kanilang line up. Kailangang kumuha sila ng suporta ng mga independent candidates na maaaring kasama rin sa pagkakampanya ng iba. Kaya ang kampanya nila ay kayod talaga. Asahan na nga naman ninyo na magiging kayod din ang kampanya ni Sharon para sa mister niya.

Angel hindi nangangampanya para sa pera, may sariling datung at adbokasiya

Medyo naging issue agad sa social media ang pagsama ng aktres na si Angel Locsin sa pagpa-file ng COC ng kanyang tiyuhin sa aming pagkakaalam, na si Congressman Neri Colmenares. Iyang pagsama ni Angel at pag-eendorso siguro ay dahil talagang magkaanak sila. Hindi mo masasabing kagaya siya ng ibang artista na nag-eendorso dahil binayaran.

Ang tunay na apelyido ni Angel ay Colmenares. Tatay niya ang dating national swimming champion na si Angel Colmenares. Siguro alam din naman ni Angel ang kanyang ginagawa, dahil on her own ay marami siyang advocacies.

Kamakailan nabalita ang ayaw naman sana niyang ipangalandakang pagtulong niya sa mga Lumad. Kung natatandaan ninyo, si Angel ay isang volunteer, hindi lamang donor kung hindi volunteer worker mismo ng Red Cross. Kaya masasabing siya iyong gising ang kamalayan. Kung sumama man siya sa kanyang tiyuhin, alam niya ang ginagawa niya. Kung kami ang tatanungin, ok lang iyon kaysa naman sa mga artistang nagkakampanya dahil binabayaran.

Kris hinarana ng ‘asawa’ sa Comelec

Isa pang classic na balita, nag-file ng COC para kumandidatong senador ang isang nagpakilalang asawa ni Kris Aquino na si Daniel Magtira. Kinantahan pa niya si Kris doon mismo sa kanilang press conference sa COMELEC.

Ewan kung ano naman ang masasabi ni Kris Aquino sa nagpakilala niyang asawa?

vuukle comment

ANG

ANGEL

ANGEL COLMENARES

ANGEL LOCSIN

HINDI

KANYANG

KIKO PANGILINAN

KRIS AQUINO

NAMAN

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with