^

Pang Movies

Kuya Germs gulat na gulat nang kumanta si Nora

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ngayong araw talaga ang kaarawan ni German “Kuya Germs” Moreno na nagdiwang ng kanyang 84th birthday sa Walang Tulugan With The Master Showman ng GMA 7 kagabi.

Siyempre mawala na ang lahat, huwag lang si Nora Aunor na dekada na rin ang binilang ng kanilang pagsasama mapa-pelikula o TV show at pati na siyempre ang kanilang pagkakaibigan.

Nagulat pa si Kuya Germs dahil napakanta si Ate Guy kahit ilang linya lang ng Happy Birthday song kahit may problema pa rin ito sa kanyang lalamunan.

Ibinalita naman ni Kuya Germs na si Ate Guy ay nagbabalik sa Kapuso Network at magbibida raw ito sa Little Mommy at lalabas din daw sa Magpakailanman.

Thankful naman si Ate Guy kay Kuya Germs na hindi raw siya iniwan sa mga pinagdaanan niyang problema, personal man o sa career. Kuwento pa ni Nora, kahit daw nung nasa Amerika siya ay lagi pa rin niyang tinatawagan si Kuya Germs lalo na kapag nalulungkot ito.

Malaki na talaga ang improvement ni Kuya Germs mula nang ma-stroke ito. Mas malinaw na siyang nakapagsasalita ngayon at mas magaan nang kumilos. Pero bantay sarado pa rin siya ng anak na si Federico na sinusundo agad para hindi mapuyat sa kanyang trabaho.

Hindi rin nawala sa birthday celebration ni Kuya Germs si Iza Calzado dahil ang namayapa niyang daddy na si Lito Calzado ay matagal naging direktor ng Walang Tulugan… kung saan din unang nagkaroon ng exposure ang aktres sa Kapuso Network. Kaya itinuturing ni Iza na blessing sa kanilang pamilya si Kuya Germs lalo nga sa nasirang tatay niyang si Direk Lito.

Sabay na bumati sina Iza at Nora kay Kuya Germs sa show. Wish naman ni Iza na makasama ang Superstar sa kahit anong project. Basta raw makatrabaho lang niya si Ate Guy ay magiging malaking karangalan na sa kanya.

Makikipagsabayan naman ang aktres kay Coco Martin sa Ang Probinsiyano sa primetime ng Kapamilya Network.

Hindi pa napapanood sa nabanggit na serye si Iza, kung saan siya ang magi­ging trainor ni Coco. Kaya excited na si Iza dahil lahat ng mahuhusay na aktor ng Kapamilya Network ay nakakatrabaho niya.

vuukle comment

ANG

ANG PROBINSIYANO

ATE GUY

COCO MARTIN

DIREK LITO

GERMS

IZA

KAPAMILYA NETWORK

KAPUSO NETWORK

KUYA

KUYA GERMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with